Gusto pa ni Hontiveros na gamitin ang pondo para sa coconut farmers na research panggamot sa COVID-19 pero binutata siya ni Villar na hindi akma ang pondo ng Coco Levy Fund para sa ganoong pag-aaral!
Nais ni Senador Cynthia Villar na ipagbili ang coco levy assets para mapakinabangan na aniya ng mga magniniyog ang perang dapat sa kanila.
Sinimulang pagdebatehan ang panukalang magbibigay tulong o trust fund para sa mga coconut farmers sa pamamagitan ng pagbebenta ng assets na nabili o kinita ng coco levy fund.
Sa Senate Bill 1396 o ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act, ang gobyerno ay aatasan na magbenta ng mga assets ng coconut levy sa susunod na 5 taon upang lumikha ng isang trust fund para sa 2.4 milyong mga coconut coconut sa bansa.
Sa pagtatanong ni Risa Hontiveros, igingiit ng senadora ang paglalaan ng pondo para sa research ng coconut sa pagppagaling ng mga sakit, bagamat sang-ayon si Villar sa bisa ng coconut – hindi niya nakikitang akma ang sinasabi ni Hontiveros sa para sa Coco Levy Fund.
Narito po ang kasama sa panukala:
- Shared facilities for processing, ten percent (10 percent)
- Farm improvement through diversification and/or intercropping (10 percent
- Development of hybrid coconut seed farms and nurseries, to encourage self-sufficiency (10 percent)
- Empowerment of coconut farmer organization and their cooperatives (10 percent)
- Scholarship program (10 percent)
- Health and medical program (10 percent)
- Credit provision through the Development Bank of the Philippines (DBP) and Land Bank of the Philippines (LBP) (10 percent)
- Infrastructure development, ten percent (10 percent)
- Training of farmers in farm schools thru the Technological Education and -Skills Development Authority (TESDA) (10 percent)
- Planting and replanting (10 percent)
Ano sa palagay mo?