Nagkaroon ng city wide brownout dahil sa isang sawa.
“Makikita sa video na nakapalupot ang isang 6 talampakang sawa sa isang poste ng kuryente na nagdulloot ng malawakang brownout sa Cotabato. Ayon sa Cotabato Electric COoperative, gumapang ang ahas paakyat sa isa sa mga poste at tumama sa linya ng kuryente. Nagpatay sindi ang kuryente anggang sa napilitan ang kumpanya na putulin muna ang supply ng kuryente. Namatay kalaunan ang ahas. Bumalik ang naman ang kuryente matapos ang isang oras.
Sa bayan ng Tulunan, Cotabato, sinubukang pasukin ng isang 12-feet balakon o king cobra ang kubo ng isang magsasaka. Tinangka ng magsasaka na patayin ang ahas gamit ang kanyang itak. Tumulong ang ilang residente hanggang sa mapatay ang makamandag na ahas. Posibleng target nito ang kanilang mga manok.
Isa namang 10 feet python ang nakita sa isang farm house sa Sagada, Mountain Province. Naalarma ang may-ari nang biglang mag-ingay ang kanyang mga alagang manok at baboy. Hinahabol na pala ang mga ito ng ahas. Pinukpok ng may-ari ang ahas hanggang mamatay kalaunan.”