Nagdesisyon ang Senado na ipagpaliban ang pagtalakay sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte hanggang sa pagbalik sa sesyon sa Hunyo 2.
Inihayag ni Sen. President Chiz Escudero na walang naganap na conspiracy o pag-uusap sa mga senador tungkol sa complaint bago mag-recess.
Binigyang-diin niya na kailangang isaayos ang proseso bilang Senate President, hindi ang impeachment mismo.
Ipinaliwanag ni Escudero na hindi nangangahulugang agarang aksyon ang terminong forthwith proceed with trial sa Saligang Batas. “Walang sinabing immediately ang Saligang Batas. Ang sinabi ng Saligang Batas ay shall forthwith proceed with trial,” giit niya.
MORE: Senado nag-adjourn nang hindi tinatalakay ang Impeachment laban kay VP Sara Duterte
Idinagdag pa niya, “hindi naman siguro makatarungan na biglang pilitin kaming aksyonan ito nang walang sapat na paghahanda.”
Sisiguruhin ng Senate Secretariat na masusuri ang complaint para sa sufficiency sa form at substance, kasama na ang pag-verify ng mga pirma, habang nasa recess.
Inanunsyo rin ni Escudero na isasa-update ng Senado ang mga panuntunan nito sa impeachment, kabilang ang mga probisyon para sa judicial affidavits at pre-trial procedures.
“Bilang katugunan, gagawin namin ang aming tungkulin na pwedeng magawa habang recess, kabilang na ang pag-review ng rules ng Senado sa impeachment,” pahayag niya.
Tiniyak niya na patas at kapani-paniwala ang proseso, anuman ang resulta.
Magdudulot ng pag-alis sa pwesto at perpetual disqualification sa pampublikong posisyon ang parusa sa impeachment, ayon sa kanya.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?