Sinalakay ng mga awtoridad ang isang grupo ng mga dayuhang hinihinalang nagmamanman sa mga pasilidad ng militar ng Pilipinas.
Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang Chinese national na sina Cai Shaohuang, Cheng Hai Tao, Wu Cheng Ting, Wang Yong Yi, at Wu Chin Ren dahil sa umano’y pag-eespiya sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa Palawan.
Isinagawa ng NBI ang operasyon mula Enero 24 hanggang 25 at dinakip ang mga suspek sa Palawan, Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at Dumaguete City.
MORE: Pananamantala ng China sa West Philippine Sea, sinusubok ang administrasyon ng Pilipinas at US
Nagkunwari silang miyembro ng mga civic group tulad ng Qiaoxing Volunteer Group of the Philippines at Philippine-China Association of Promotion of Peace and Friendship, Inc.
Gumamit sila ng pagbili ng lamang-dagat bilang panakip sa kanilang aktibidad.
“Ang kinukunan ng drone nila ay ‘yang barko natin… pag na-close up ‘yan, makikita natin ‘yan ay isang barko ng Philippine Navy,” ayon kay NBI Director Jaime Santiago.
Natuklasan ang paggamit nila ng long-range CCTV cameras, drones, at teleskopyo upang subaybayan ang mga barko at pasilidad ng militar.
“They would disguise themselves as harmless or members of a legitimate organization… without revealing their real identity,” pahayag ni NBI Cybercrime Division Chief Jeremy Lotoc.
Pinadala umano nila ang nakuhang impormasyon sa isang remote location“. “That could be why in the past ships were always aware when we deploy Coast Guard and naval resupply ships,” AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr.
Iniimbestigahan pa ng AFP ang koneksyon ng grupo sa mas malawak na operasyon. “Hindi pa po natin alam kung saan, ano ‘yung receiving end. “That is why we cannot yet conclude that,” dagdag ni Brawner.
Ipinahayag din niyang maaaring ito pa lamang ang “Tip of the iceberg” na nangangahulugang may iba pang kasong kailangang imbestigahan.
Kinasuhan ang mga suspek sa ilalim ng Espionage Act at Cybercrime Prevention Act.
Hinimok ng mga awtoridad ang publiko na maging mapagmatyag at iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa pag-eespiya.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?