WALANG magiging problema para kay dating senador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang paglalabas o pagsasapubliko ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Ito ang tugon ni Marcos sa katanungan hinggil sa isyu ng paglalahad ng SALN sa SMNI Presidential Debate sa Okada Manila ngayong araw, Pebredo 15, 2022.
Una nang inamin ng dating mambabatas na sa nakalipas na anim na taon ay hindi niya isinapubliko ang kanyang SALN dahil hindi naman siya opisyal ng gobyerno.
Ngunit kung sakali aniyang siya ay palaring manalo bilang pangulo ng bansa ay handa niyang ilabas sa publiko at gawin itong public information.
Pabor din si Marcos na ilabas ng sinuman sa kanyang pamilya kung magiging opisyal ito ng gobyerno.
Naniniwala rin si Marcos na obligasyon ng bawat opisyal ng gobyerno o maging ng isang indibidwal na ilabas ang kanilang SALN.
Read source story here Bongbong Marcos, pabor sa pagsasapubliko ng kanyang SALN —SMNI, Alava Castillon
___________
Subscribe for more news and updates
YouTube: Pinas News channel
Facebook: Pinas.news page
Join us: OFWs-Pinoy Tambayan