Ang video na ito ay isang mainit na usapin sa Kongreso kaugnay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Sa gitna ng mga diskusyon, binusisi ang pagmamay-ari at kontrol ng mga Tsino sa mahalagang imprastruktura ng kuryente ng bansa.
Pinangunahan ni Cong. Jinky Luistro ang pagtatanong sa compliance ng NGCP sa Konstitusyon ng Pilipinas, partikular na sa probisyon na nagsasabing ang mga executive at managerial officer ng mga pampublikong utilidad ay dapat mga Pilipino.
Mga Tsino sa Mahahalagang Posisyon
Binigyang-diin ni Cong. Luistro na maraming mahahalagang posisyon sa NGCP ang hawak ng mga Tsino. Ayon sa kanya, “How do you consider a chairman of NGCP? Is it not a managerial or executive position?”
Ipinunto niya na ang chairman na si Zhu GuangChao ay isang Tsino. Bukod dito, iba pang mga opisyal tulad ninaYao YouSheng, Wang Li Jing, Liu Xinhua, at Wen Bo ay parehong mga Chinese nationals.
Sa isang working group ng NGCP, nabanggit din ang papel nina Yuan Ming Jun at ChenChang Wei, na parehong Tsino, sa pag-evaluate ng mga bids at pagrekomenda ng mga kontrata.
“Wen Bo, also a Chinese national, evaluated and recommended the expansion of the Las Piñas-Sapote project,” dagdag ni Cong. Luistro.
Pagmamay-ari ng Stock at Compliance
Inilabas din sa pagdinig na 40% ng NGCP ay pag-aari ng mga Tsino, partikular na ng State Grid Corporation of China at apat pang Chinese individuals.
Binanggit ni Cong. Luistro ang tanong, “May we know, NGCP, the primary reason why the NGCP preferred or allowed or opted to have this 40% be owned by Chinese citizens?”
Sinabi ng NGCP na ang 40% ay ibinenta sa mga Tsino dahil sa kanilang technical expertise.
Gayunpaman, iginiit ng NGCP na ang lahat ng kanilang executive at managerial officers ay mga Pilipino. “Our executives and managers are all Filipino,” sagot ng kanilang kinatawan.
Hindi kaya ng Pinoy?
Pinaliwanag ng NGCP na kumuha sila ng dayuhang teknikal na partner dahil wala raw sapat na kaalaman ang mga Pilipino noong itinatag ang NGCP.
Subalit, tinanong ng mga mambabatas kung ang ganitong pagtitiwala sa dayuhang teknolohiya ay nagdudulot ng kawalan ng kontrol ng bansa sa mahalagang imprastraktura nito.
Ipinahayag nila, “The transmission industry is really highly technical… technical capacity should I say or resources.” Ngunit, tinanong ni Cong. Luistro, “Are you trying to say technical part NGCP cannot be provided at all by Filipino citizens?”
Dagdag niya, “Logically speaking, the creature cannot become higher than its creator.” Para kay Cong. Luistro, ang mga Tsino, bilang mga lumikha ng sistema, ay may mas malalim na kaalaman at kontrol dito kumpara sa mga Pilipinong gumagamit nito.
Kinokontrol ba tayo?
Pinunto rin sa pagdinig ang seguridad ng kontrol sa grid ng kuryente. Sinabi ng NGCP na mayroong tatlong control centers sa Luzon, Visayas, at Mindanao na hindi konektado sa internet kaya’t hindi umano maaaring kontrolin mula sa ibang bansa.
“We have three control centers in the different regional grids,” paliwanag ng isang kinatawan.
Ngunit, kinuwestyon ito ni Cong. Luistro matapos lumabas ang ulat tungkol sa isang “operational computer” sa China na maaring konektado sa grid ng Pilipinas. Itinanggi ito ng NGCP, ngunit nanatili ang pangamba. Sabi ni Cong. Luistro, “No matter how expert we are, the one who created knows better about the system.”
Mga Tanong na Naiwan
Sa pagtatapos ng pagdinig, maraming katanungan ang naiwan. Ang mga isyu tungkol sa compliance ng NGCP sa Konstitusyon, lawak ng impluwensya ng mga Tsino, at seguridad ng grid ay hindi pa ganap na nasasagot.
Para sa marami, ang NGCP ay tila nakatayo sa gitna ng isang delikadong balanse sa pagitan ng dayuhang kontrol at pambansang interes.
Binibigyang-diin ng imbestigasyon ang pangangailangan na protektahan ang interes ng bansa habang binabalanse ang pangangailangan sa teknikal na kakayahan at pamumuhunan sa pampublikong serbisyo. Dapat kumilos agad ang NGCP at ang gobyerno upang matiyak ang seguridad at pagsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas.
Ang kontrobersiyang ito ay patuloy na susubaybayan ng Kongreso at ng publiko. Sa huli, ang tanong ay nananatili: Sino nga ba ang tunay na may kontrol sa kuryente ng Pilipinas? —by Osen Dionisio /Newswriter, PinasNews
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?