Kinontra ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga ministerial corrections, sinabing never allowed in any bill, much more a law.
You bring it back to plenary! Giit ni Sotto, dapat ibalik sa plenaryo ang mga pagbabago para sa karagdagang deliberasyon. Iminungkahi niyang some of our legislators need to undergo parliamentary rules and procedures workshop.
Ipinahayag ni Stella Quimbo, acting chairperson ng House Appropriations panel, na nagmula lamang sa typographical errors o mga kinakailangang pagbabago bunga ng mga pag-amyenda ang mga blank items.
MORE: Former President Duterte, kinuwestiyon ang validity ng 2025 national budget
Inutusan umano ang technical staff na isagawa ang mga ministerial corrections. Lahat ng naging corrections ng ating technical staff, lahat po ‘yan ay ministerial na lang. Ibig sabihin calculator activity na lang po.
Wala na po silang discretion, dahil lahat po ay decided na by the bicam members at the point of signing. Ipinanindigan ni Quimbo na umiiral nang legal at buo ang 2025 GAA.
It is legal, it is fully enforceable, it is valid. Dahil po ang ating enrolled bill, ibig sabihin po ang General Appropriations Bill na nanggaling po sa Congress, ay kumpleto, walang blank.
So, that’s basically the reason for why ang naging basehan ng GAA ay kumpleto din.
Tinawag ni Quimbo na unfounded and politically motivated ang mga kritisismo sa 2025 budget at isang malicious misconstruing ng administrative matters.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?