Kinuwestiyon ni Sen. Bato dela Rosa ang ginawa ng mga pulis matapos ipakulong ng mga mambabatas si Colonel Grijaldo ng Philippine National Police (PNP). Ikinulong si Grijaldo matapos magtestigo at agad pinutulan ng sweldo.
Sinalaysay sa pagdinig na “Isn’t it very double Injustice on on his part, na wala ng makain ung pamilya niya dahil pinutulan niyo ng sweldo.”
Ipinahayag din na ‘He is he did not violate any law to tell you frankly’, kaya’t hindi makatarungan ang ginawang pagparusa kay Grijaldo.
MORE: Arestado ang Chinese national na nag-eespiya sa mga kampo ng militar at opisina ng gobyerno
Binigyang diin ni Sen. Bato dela Rosa na “As a Commander, it’s very basic…, number one is the accomplishment of the mission. Number two, is the welfare of our men”
Tinanong niya, ’Anong ginawa ninyo? Hindi ba talagang nilaglag ninyo siya’. Iminungkahi rin ni Sen. Dela Rosa na dapat “You should be liberal enough to interpret your own policies. Hindi nakulong, iapply kaagad yung no work, no pay.“
Dagdag pa niya, ang PNP ay dapat ‘Manindigan kayo para sa tao ninyo. Not even the House of Representatives not even the Senate could force you to do injustice to your people’.
Nangatuwiran si Sen. dela Rosa na ‘you have the discretion being the commander’.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?