Narito ang babala ni Pangulong Duterte sa mga may masamang kaisipan na pagkakitaan ang pagbebenta ng pekeng bakuna.
“So ‘yong mga private sector… Eh ito warning lang ito ha. Huwag ninyo akong pilitin baka pupulutin talaga kayo kung saan-saan. I am not — I am not threatening — ‘yong mga human rights nakikinig.
Ito bang nagpapabili ng mga fake, itong nag-i-import na ‘yong walang ano, walang source tapos peke, tapos ang mga tao magpabakuna, magbayad nang mahal dahil nga may bakuna available hindi na maghintay.
I’m just warning you, huwag na huwag kayong magkamali dito na hirap na ang Pilipino tapos dagdagan mo ng ganitong pamaraan ng hanapbuhay, pupulutin ka talaga kung saan.
Hindi ako nagbibiro. Pupulutin ka kung isu – kung saan ka maitapon. Huwag mong — huwag mong gawain ninyo ‘yan.
Mag-warning — magpeke na kayo ng mga candy diyan pati ano, huwag itong medisina. I am warning you. I say it now, I’m saying it again and I will not say it anymore: Huwag kayong magkamali dito.
Talagang… Well, nasa iyo kung gusto mong — kung gusto mo na, panahon mo, eh ‘di sige. Hahanapin kita at ibigay ko sa iyo ano ang dapat para sa iyo.
Ganito lang ang mundo eh, hindi mo mapigil ‘yang mga ganitong klaseng krimen.”
Ano sa palagay mo?