Aabot umano sa P500-milyon ang natangay ng isang babae sa mga nabiktima niya sa investment scam, kabilang ang ilang overseas Filipino workers. Naaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation sa inilatag na entrapment operation sa Dagupan City, Pangasinan ang suspek na si Jennifer Gumapos.
Isinagawa umano ng NBI ang operasyon matapos dumagsa sa kanilang tanggapan ang mga nabiktima umano ni Gumapos, kabilang ang OFW na si Amanda, hindi niya tunay na pangalan.
Ayon kay Amanda, sa kagustuhan niyang lumago ang pinaghirapan niyang pera na kaniyang naipon, ipinasok niya itong puhunan kay Gumapos na umaabot sa P1.9 milyon.
“Nanghihinayang ako kasi nakuha ko yung pera na ‘yon sa pawis din. Nag-OFW ako up to now babalik pa rin ako para maging OFW,” saad niya. Isa pang biktima ang nagsabi na umabot sa P38 milyon ang naipasok niyang puhunan kay Gumapos, at mayroon pa siyang mga kamag-anak na nabiktima rin.
Marami umanong naingganyo ang suspek dahil sa pangako nitong tubo na 8.5 hanggang 10 percent bawat buwan sa ipapasok na puhunan. Source: FRJ, GMA News
- St. Luke doctors na nagtest kay BBM humarap sa Senado
- Binulgar ni Jinky Luistro ang mga pangalan ng Chinese owners at may ‘kontrol’ sa NGCP
- KAKAMPI ni Chinese Chairman sa kamara!
- “Isang pindot lang!” Ace Barbers ginisa ang NGCP sa pagbibigay kapangyarihan sa mga Chinese!
Breaking Latest News
- Ang inendorsong presidente ni PRRD…
- KORAP sa senado ang isang “parrot na maingay”
- Mayron pala talagang kababalaghan sa Comelec. – Imee Marcos
- Agaw-eksena sa Uniteam caravan sa Paranaque ang pamumulitika ni Father
- Caravan ng Uniteam BBM-Sara sa Caloocan City, dinumog ng mga tao
- Jinky Luistro ibinulgar na may operational computer sa Nanjing, China na kayang ikontrol ang NGCP
- Wasak si Franz Castro kay Ombudsman sa house hearing
- Cong Isidro Ungab sumabog sa dating NCIP head Allen Capuyan sa pagbuo ng armed group na pumapatay sa mga IPs
Ano sa palagay mo?