Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Chinese national na si Yuanqing Deng noong January 17, dahil sa hinalang pag-eespiya.
Kasama niyang inaresto ang dalawang Pilipino, ngunit mariing itinanggi ng kanyang asawang si Noemi ang mga paratang.
MORE: Chinese spy nanirahan sa Pilipinas ng halos isang dekada arestado
Ipinagtanggol ni Noemi ang kanyang asawa sa isang emosyonal na press conference.
“Isa lang masasabi ko hindi po spy si Qing, matagal na po siya naninirahan dito sa Pilipinas, mahigit 10 yrs na po siya dito may anak kami 8 years old,” pahayag ni Noemi.
Ipinaliwanag pa niya na nagtatrabaho si Yuanqing sa isang kumpanya ng self-driving cars na nagsasagawa ng mga road tests.
“Hindi ko po alam kung ano ‘yung tamang term na gagamitin para sa trabaho niya po. Basta nagte-test sila ng daan para doon sa car—driverless po, self-driving,” dagdag niya.
Kinwestyon ni Teresita Ang-See, isang civic leader, ang pahayag ng NBI at sinabing binigyan agad ng maling label si Deng.
“Ang nangyari, trial by publicity agad. Trial by publicity, nag-conclude kaagad kayo na espiya,” ani Ang-See.
Tinuligsa din niya ang alegasyong ginagamit ni Deng ang mga kagamitan na madaling mabili online bilang ebidensiya ng espionage.
Hinahanap pa rin ng anak ni Deng ang kanyang ama, habang humihiling si Noemi ng katarungan para sa kanyang asawa.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?