Apat na Taon Termino, Tatlong Sunod na Panunungkulan
Sa pinakahuling sesyon ng Senado, opisyal na inaprubahan ang Senate Bill No. 2816, na magtatakda ng apat na taon bilang termino ng panunungkulan para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK). Layunin ng batas na ito na bigyang-diin ang katatagan at tuloy-tuloy na pamamahala sa lokal na antas.
Ayon sa batas, ang mga opisyal ng barangay ay maaaring magsilbi ng tatlong sunod-sunod na termino. Ang susunod na Barangay at SK Elections (BSKE) ay itinakda sa unang Lunes ng Oktubre 2027.
Paliwanag ni Sen. Imee Marcos
Bilang pangunahing tagapagtaguyod ng panukalang batas, agad na nilinaw ni Sen. Imee Marcos ang kalituhan hinggil sa bersyon ng panukala. Aniya, “to dispel the Uh confusion and the misleading copy That’s uploaded on our website…” na nagsasabing anim na taon ang termino.
Ipinaliwanag niya na nagkasundo sila sa apat na taon. “The third reading copy contains four years—what was approved and adopted during the period of amendments and approved on second reading,” dagdag pa niya.
Inihayag din ni Sen. Marcos na ang mas mahabang termino ay magbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga opisyal ng barangay at SK sa mga isyung lokal at pambansa.
Sinabi niya, “With the longer fixed term, the barangay officials and members of the SK will deepen their understanding of both national and local issues, as well as implement their own medium and long-term initiative at the barangay level.”
Suporta ng Iba pang Senador
Sen. Robinhood Padilla
Nagbigay-diin si Sen. Padilla sa limitasyon ng tatlong taong termino na hindi sapat para sa mga opisyal. Aniya, “Hindi po talaga sapat ang tatlong taon upang maisagawa ng mga lokal na opisyal ang kanilang mga inilatag na plataporma at mga ninanais na programa.” Idinagdag pa niya na ang mga natitipid sa hindi madalas na halalan ay maaaring ilaan sa mas mahahalagang programa.
Sen. Jinggoy Estrada
Sumang-ayon si Sen. Estrada sa kahalagahan ng tuloy-tuloy na implementasyon ng mga programa sa barangay. Ayon sa kanya, “This will ensure na may pagpatuloy ang mga programa at magkakaroon ng mas matatag na pamamahala ang ating mga halal na barangay officials.”
Sen. Juan Miguel Zubiri
Bilang co-author, sinabi niya, “We’ve been fighting for this measure for quite a long time.” Dagdag pa niya, nais din niyang magpasa ng hiwalay na batas para sa benepisyo ng mga barangay tanod, daycare workers, at health workers.
Sen. Bong Revilla
Pinuri ang papel ng barangay bilang pangunahing yunit ng pamahalaan. Sinabi niya, “Ang barangay ang tulay para mas mabilis at matiwasay ang daloy ng mga programa ng ating pamahalaan diretso sa mga mamamayan.”
Sen. Bong Go
Binanggit niya ang kahalagahan ng batas sa pagpapalakas ng mga lider kabataan. “The bill ensures that the Sangguniang Kabataan continues to play a vital component of youth representation as this will also ensure the opportunity to empower young leaders and encourage civic engagement.”
Mahahalagang Detalye
- Termino ng Panunungkulan: Apat na taon.
- Limitasyon ng Sunod-sunod na Panunungkulan: Tatlong termino.
- Susunod na Halalan: Oktubre 2027.
- Layunin: Mas matatag at tuloy-tuloy na pamumuno sa barangay.
Pahayag ng Senado: Malapit na itong Maging Batas
Matapos ang botohan, 22 senador ang bumoto pabor sa panukala. Walang bumoto laban o nag-abstain. Ngayon, hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging ganap itong batas.
“Ang panukalang ito ay para sa mas epektibong pamumuno ng barangay at SK,” wika ng Senado. Abangan ang mga susunod na hakbang para sa implementasyon ng panukalang batas na ito. —by Osen Dionisio /Newswriter, PinasNews
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?