Nagpahayag si SP Chiz Escudero ng kanyang saloobin hinggil sa impeachment complaint laban sa Vice President at ang mga kontrobersiya ng mga demokratikong proseso na kasangkot dito.
Ayon kay Escudero, iniiwasan ng Senado ang ideya ng special session para magdiskusyon. “Hindi ito isa sa mga bagay na dahilan para magpatawag ng special session ng Senado,” ani niya.
Tinukoy din niya ang mga pirma at ang seryosong pagsusuri sa mga ito upang tiyakin ang legalidad ng impeachment complaint. “Wala namang ibang dokumento o batas ang magpoprotekta sa pirma ng mga individual. Na-verify na ang lahat ng 215 wet signature,” aniya.
Pinaalalahanan naman ng SP ang mga miyembro ng Senado na magsasagawa ng patas na paglilitis. “It’s just a process, no more and no less,” nakasaad sa kanyang pahayag.
Mabigat na hatol kay Sara Duterte ang gustong ihatol ni Joel Chua
Aanyayahan niya ang Vice President na humarap, kung siya man ay kailangan o nais magpaliwanag sa Senate Impeachment Court, kapag isagawa na pagkatapos ng SONA sa buwan ng Hunyo.
__________
Narito ang ilang highlights sa video:
“Noong nagdaang Linggo, nabigyan na ng kopya ng impeachment complaint ang mga miyembro ng Senado. Na-upload na rin sa website ng Senado ang actual na impeachment complaint, kabilang ang mga annex nito. Kinokonsidera ko itong public document, at marapat lamang na maging publiko. Hindi naman ito private crime na dapat limitado lamang ang makakakita o makakabasa.
“Sir, na-verify na ba ang mga signature? Sabi kasi, che-check visually.”
“Na-verify na ang lahat ng 215 signatures na wet signature. Tiningnan ‘yan ng hindi bababa sa apat na tao, ng hindi bababa sa dalawang beses kada tao. Pero dagdag doon, nagpo-problema pa rin sila para further validate. Pero ang initial na repaso nito, using visual perusal, wet signature lahat ng 215.”
“Bakit kailangan gawin ‘yan? Wala bang presumption of regularity? After all, it was sent by the House.”
“Meron, pero ayoko naman ding masisi kami na hindi namin ginampanan ang napakasimpleng tungkulin namin. Simple lang naman ang trabaho namin: tingnan kung wet signature nga ‘yun, dahil dapat verified ‘yun sa harap ng Secretary General. At tingnan kung ang 205 pirma o higit sa 1/3 ay mga kongresista nga ba talaga o hindi.
“Tinanggap naman na talaga namin ang verified complaint. Again, we can only make the corresponding recommendations to the impeachment court with respect to any such findings contrary to procedure. Walang karapatan o kapangyarihan ang Secretary General na magdesisyon tungkol dito. Ministerial lang ang trabaho ng Secretary General. He is simply doing his due diligence work in order to report or give a complete report to the Senate plenary.”
“Sir, nasa kanila na ang copy. Magpapatawag ka ng special session?”
“Layo naman ng talon mo. I have already said, I have no intentions of requesting the President for a special session. Hindi ito isa sa mga bagay na dahilan para magpatawag ng special session ng Senado. Dagdag pa, sino bang may gusto na mag-special session kami at magtalo? Sino ba humihiling noon? Sabi ko na, sino mang pro o anti, hindi namin papakinggan. Susundin namin kung ano ang itinatakda ng batas.”
“Pero babalikan ko, ang impeachment ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez, tatlong araw lang sinumite sa Senado bago kami nag-umpisa ng trial. Pagkatapos ng recess, mahigit isang buwan mula sa araw na iyon, nag-umpisa ang impeachment trial ng yumaong Chief Justice Corona noong December 13. Isang linggo bago mag-recess ang Senado, hindi lamang tatlong araw. Isang linggo, pero hindi nagtalaga ang Senado. Nag-umpisa lang pagkatapos ng recess ng Pasko at New Year, at tinawag ang pagdinig noong January, makalipas ang humigit-kumulang isang buwan.”
“Bakit ko iibahin ang pagtrato dito sa impeachment complaint na ito? Hindi ito espesyal. Hindi ito kakaiba. Ang tingin dapat namin dito, ordinaryong impeachment complaint lamang laban sa isang impeachable officer. Pare-pareho lamang silang impeachable officer sa pananaw namin—presidente man, vice presidente, ombudsman, chief justice, o ibang impeachable officer.
“Walang dahilan para mag-iba kami ng pagtrato dito. Baka mapagbintangan pa kami o maakusahan na iniiba ito dahil espesyal ito, dahil minamadali namin ito. Ordinaryo lamang ang pagtrato namin dito. Pinakamagandang ebidensya at batayan na kami magiging patas para dito.”
“Bakit nila inupuan ang dalawang buwan? Dalawang buwang nakabinbin ang tatlong impeachment complaint sa Senado… ah sa Kongreso. Ang kailangan lamang namang gawin, ipadala ‘yan sa Speaker para ma-agenda ng Speaker ‘yan. Magkatabi ang opisina nilang dalawa, pero hindi ‘yun ginawa sa loob ng dalawang buwan. Tapos kami, gusto sa loob ng dalawang oras magawa ‘yun? Sa loob ng ilang araw magawa ‘yun? Kung tila hindi sila nagmadali, anong pinaghuhugutan at saan sila nanggagaling para madaliin kami ngayon? Hindi naman niya kailangang sagutin talaga kung gusto lang niya, para lang maliwanagan din ako.”
“Sir, how could the Senate ensure a fair trial for the Vice President, given that some senators have already given their position that they will vote against her? Well, aren’t we starting on the right foot by treating it like any other impeachment complaint?”
“That’s a good start, I believe. Now, with respect to those who are voicing out their position, I would like to remind them once again and admonish them once again to kindly refrain from doing so in order to maintain and keep the impeachment court itself and the process fair, without any prejudgment on the part of any member of the Senate, for or against impeachment.”
“Ano-ano po ang mga items na kailangan niyo pang ayusin o i-submit, like pretrial briefs, halimbawa, para hindi mag-aksaya ng panahon?”
“Kung nanaisin nila na gawin lahat ng mga kailangan gawin, to take proper order of the subject of impeachment, kabilang na ang pagpapasagot sa nasasakdal, ang pagpapayag ng pretrial briefs na maisagawa na, upang sa gayon, pagpasok ng bagong Senado ng 20th Congress, ay talagang dire-diretso na sa trial, at wala nang pag-antala pa na kailangan nating antabayanan.”
“Pwede bang magtanong? Kung tatawid ng 20th Congress, malayang pwede may magtanong. Pero anong gusto nilang gawin namin? Finish or not finish, pass your paper? Ano ‘to, exam ng grade 3? Hindi pa tapos mag-presenta ng testigo ang prosecution at depensa, dahil June 30 na? O pagbotohan na natin ‘to? Oo, dismiss na natin ‘to? Hindi naman siguro ‘yun ang intensyon ng Saligang Batas. Ang intensyon marahil, dapat dumating sa punto na ang kaso ay matatapos, resolbahan, at pagpapasahan, hindi ‘yung bitin-bitin palagi.”
“Pangalawa, nabigay ko na sa inyo ang halimbawa ng mga collegial courts. Dahil ito ay hindi trabaho ng lehislasyon, ito ay trabaho ng isang impeachment court. So hinalintulad ko na ‘yan sa Court of Appeals, sa Supreme Court, sa Sandiganbayan—mga collegial courts. Kahit nga sa ordinaryong RTC, nagpalit ng judge, tuloy naman ang kaso. Bibigyan ko kayo ng isa pang halimbawa: ‘yung mga kaso sa Senate Electoral Tribunal. Tumatawid ito ng susunod na Kongreso, bagaman nagpalit ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa SET, bagaman nagpalit ang membership ng Senado dahil tumawid sa panibagong Kongreso, tuloy-tuloy din ang kaso doon, at hindi kailangan i-dismiss dahil lamang pumasok ang panibagong Kongreso.”
“Maging ganon pa man, ito ang unang beses na mangyayari ito. May karapatan sino man mag-question. Pero tulad ng sinabi ko, hangga’t walang ruling ang Korte Suprema, gagawin namin kung ano ang tingin naming tama kaugnay sa paglilitis na ito.”
“Sir, kung okay na po sa inyo ang rules, kailangan pa ba itong i-approve ng Senado?”
“Yes, at depende kung ano ang nakapaloob sa impeachment rules. Ngayon kasi, parang ang ine-expect namin, at least kaya nga oo, pero kahit nga makuha na natin ang photo op na ‘yon, anong gagawin namin? Wala pa rin naman kasing sagot. Remember, we have session days when we resume. We have session days from June 2. We have 28 days left, including Saturdays and Sundays. ‘Yung period pa nga lang ng exchange of pleadings, ubos na ang June 30.”
“When ‘yung convening as an impeachment court, the process has already started. As of today, as of February 5, the Vice President was already impeached. She is an impeached Vice President already. That’s the beginning of the process. The process has begun. So ano pang hinahanap niyo sa proseso? Picture-picture lang ba ang gusto niyo? Wala namang kinalaman ‘yun sa proseso. Kaya nga darating ‘yan, it will come, pero hindi naman ‘yan minamadali dahil lamang gusto niyo ng photo op. Hindi naman ganoon ‘yan.”
“June 30, again, hindi mangyayari hanggang June 30 o after. Depende nga sa rules na aaprubahan namin. Pero kung ako tatanungin niyo, wala pang trial. Ayoko nang pangunahan.”
“Walang gagawin ang court mismo. Remember, a court is convened once it is ready to receive evidence. All of these will come in the reception of evidence after the pretrial procedures are completed. Wala pang actual reception of evidence.”
“Pero sir, ‘yung pag hindi pa kayo nakapag-convene, parang hindi pa uulitin ‘yung filing ng articles?”
“Hindi, hindi. Saan naman galing ‘yun? Wala naman. Ano na nga ba sinabi ko sa iyo? Hindi porke’t magpapalit ng Kongreso, dismiss lahat ng pending na kaso. Kasama ko lang nga kanina, ‘yung SET na mismo, Senado na mismo ‘yun. Tumatawid ‘yun. Walang debate, wala naman nagrereklamo. ‘Yun, kaso din ‘yun, hindi legislative ‘yon.”
“Sabi naman ni Vice President, hindi daw siya a-attend. Baka daw kayo ma-intimidate.”
“She is free to say what she wants to say. I doubt if that will happen. I myself am not intimidated. She’s free to say what she wants, but if she needs to attend, we will make her attend. If she doesn’t need to attend, we won’t force her because that’s her right to waive her right to appear, unless it is necessary or needed.”
“And if she attends, how will she be treated? I mean, ‘yung protocol? She’s still the Vice President. It depends. She will attend as what? As a witness? Uupo siya sa witness stand, pwede siyang i-cross examine. Hindi siya pwedeng testigong ito lang ang sabihin ko, ayoko ka na magsalita pagkatapos nito. Hindi pwede ‘yun. Any direct testimony must be subject to cross-examination before it is considered admissible. Pwede siyang magsalita kung gusto niya, pero kung hindi siya magpapa-cross-examine, may karapatang i-strike ‘yung testimonyang iyon.”
“Will she attend as a spectator? Will she attend as a lawyer, lawyering for herself? It depends on what capacity she will attend, and she will be accorded the treatment depending on the capacity that she will be attending as. If as a lawyer, then she will sit with all the other lawyers. If as a witness, she will sit in the witness stand. If as a mere spectator, not part of the legal team, she will sit in the gallery—most likely, VIP gallery. Why will we not accord respect not only to her but to her office? Of course, we will.”
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?