Inihayag ni Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano na kabilang ang posisyon ng pangulo ang kabilang sa mga pinag-iisipan niyang asintahin sa darating na 2022 national elections.
“I’m seriously considering running for president or for other positions but I’m really praying and discerning about it,” saad ni Cayetano, na dating speaker ng Kamara de Representantes.
Pero sa ngayon, nais umano ng mambabatas na maging bahagi ng isang grupo na lilikha ng five-year plan para sa bansa, dahil na rin sa patuloy na panganib sa COVID-19.
Patuloy din umano niyang isusulong ang P10,000 cash assistance sa bawat pamilya sa ilalim ng Bayanihan 3 law.
“I really like the opportunity [to pass this] P10,000 [cash aid] and to be part of forming a five-year plan. Anyone and everyone who is qualified and could be a good president should now contribute in putting together a five-year plan so that whoever wins, at least the country already has a plan,” sabi ni Cayetano.
Samantala, sinabi ni Cayetano na lahat ay posible nang tanungin kung ano ang isasagot niya sakaling hilingin ni Senador Manny Pacquiao na magtambal sila sa 2022 elections.
Ayon sa kongresista, kaibigan niya si Pacquiao at puwede silang mag-usap anumang oras.
Pero nais daw muna niyang malaman ang plano ng isang kandidato na pipiliin niyang samahan sa halalan.
Lolo, inilagay sa ilalim ng tow truck ang apo para ‘di mahatak ang motorsiklo sa clearing op sa Maynila
“Anyone who asked me for my support or if I will ask them for the support, napakaimportante na ipakita nating doable ‘yung plano at may plano,” paliwanag niya.
Tumakbong bise presidente ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano noong 2016 national elections pero natalo.
Nagsilbi siyang foreign affairs secretary, at tumakbong tumakbong kongresista noong 2019 kung saan nahirang siyang lider ng Kamara. (GMA News)
Ano sa palagay mo?