Mr. President, I rise on a point of personal and collective privilege.
Mr. President, I rise not just as the Chairperson of the Senate Committee on Women and Children, not just as a long-standing advocate for children, but also as a mother.
I am of the belief that all children are our children. Mayroon tayong responsibilidad na protektahan ang lahat ng bata, at kung may kahit isang bata na nasa panganib o inaabuso, tungkulin natin na sila ay saklolohan.
Dear colleagues, a community of children in Socorro, Surigao del Norte is crying for help. These children are our children. Ang pinag-uusapan nating mga bata ay higit sa isang libong kabataan na nasa kamay ng isang mapanlinlang, malupit, at mapang-abusong kulto.
Mr. President, nakakahindik po ang ibabahagi ko sa inyo ngayong araw, and it is a matter of grave urgency that I am afraid could not be postponed. This is a harrowing story of rape, sexual violence, child abuse, forced marriage perpetrated on minors by a cult in the Municipality of Socorro, Surigao del Norte.
Napakaganda po ng Munisipyo ng Socorro. Kilala para sa Sohoton Cove at Lagoons, at katabi lang din ng sikat na isla ng Siargao. Pero sa likod ng likas na ganda ng munisipyong ito, ay may kakila-kilabot na sikreto.
Matagal na ang People’s Organization na ang pangalan ay Socorro Bayanihan Services. Kilala ito dati sa pagiging civic organization na nagsusulong ng bayanihan sa munisipyo ng Socorro. Ngunit, noong 2017, nag-iba ang hugis at anyo ng organisasyong ito.
Ayon sa mga taga-Socorro, kasama ang mismong Mayor ng munisipalidad, nagsimula ang kulto noong may isang dise-syete na taong gulang na bata na grinoom para maging susunod na di umanong tagapagligtas. Kinumbinse ng lider ng organisasyon na itong si Jey Rence Quilario na ang gawing lider ng Socorro Bayanihan Services dahil nga siya ang susunod na Messias. Siya daw ang bagong Hesus. Siya daw ang magliligtas sa kanila.
Siya ay binigyan ng script, tinuruan paano tumindig at magsalita ng may tikas ng isang Mamerto Galanida na three term Mayor ng Socorro at 3 term na BOCAL. Pagkatapos ay idineklara ni Jey Rence sa komunidad na siya daw ang reincarnation ni Senior Santo Nino.
Itong ang kapanganakan ni Senior Agila.
Noong Pebrero 2019 niyanig ang Surigao del Norte ng isang lindol. Nakakita ng oportunidad si Senyor at ang kanyang mga handlers. Sinabihan niya ang mga tao na sumama sa kanya sa bundok na ang tawag ay Kapihan dahil iyon daw ang langit. At ang hindi sumama sa kanya ay masusunog sa impyerno.
As a result of these statements, there was a mass exodus to the mountain by the thousands of members of the organization, now having all the indicators of a religious cult. At hindi lang po ito mga ordinaryong tao na di nakapag-aral.
The LGU recorded mass resignations of Dep Ed teachers and government employees. More than one hundred elementary and secondary teachers from Socorro East and West Districts who were SBSI members went on AWOL. Thirteen (13) regular employees and Forty-One (41) Job Order workers from the Municipal Local Government Unit of Socorro have resigned. Enrolments at the Socorro East and West Districts had an alarming decrease of 847 learners, who are members of the Socorro Bayanihan Services, Inc., both in the elementary and secondary level.
Ayon sa isang nakapanayam ng aking staff na dating elementary school teacher, sabi daw ni Senior Agila, wala daw government employee ang pupunta sa langit. Kung may mga utang daw kami, huwag daw kami mag-alala, dahil buburahin daw ni Senior Agila ang aming mga utang. Hawak ko po ang salaysay nitong dating Dep Ed teacher na ito.
The mountain allowed the cult to continue its activities without scrutiny. And this is where the harrowing tales of child abuse come in. I want you to listen to this video of one alias Jane.
Ito naman po si Chloe, pilit pinakasal at kinulong pa sa kwarto para pilitin makipagtalik.
This cult is armed and dangerous. Ayon sa isa pang menor de edad na itatago natin sa pangalang Renz, nakita niya mismo ang mga armas ng kultong ito. At nakita din niya ang sinasakong armas noong eleksyon.
Paano po sila nagkakapera? Kinokolekta ng organisasyon ang halos o mahigit na 50% ng mga natatanggap na 4Ps at senior citizen pension ng mga myembro. Noong panahon pandemya at noong hinampas ang Surigao ng bagyong Odette, naglabas ang gobyerno ng social assistance para sa mga residente. Kinolekta ng organisasyon ang 40%-60% ng natanggap ng bawat isa ng kanilang kasapi. Ang mga natatanggap na TUPAD o AICS, ang pera ng taumbayan, napupunta sa isang kulto.
Pero mayroon din po kaming nakalap na impormasyon na ang totoo at mas malaking source of funding ng kulto na ito ay droga. In fact po, kung tama ang sources, ang motibasyon kung bakit tinayo ang kulto na ito ay para maging human shield dahil nailagay sa narco-list ang pasimuno ng organization na ito na si Karren Sanico at ang kanyang dating business partner na yumaong Municipal Circuit Court Judge, na pinaslang di umano dahil sa kanyang pagkasangkot sa droga noong 2019. Si Mamerto Galanida ay naihamig di umano nila Sanico at naging bahagi din ng masterminds ng grupo.
In July of this year, Mr. President, may walong bata po na nakatakas na sa kulto at nasa kanlungan ng LGU at DSWD. Nagbuo ang Municipal Mayor ng Socorro na si Mayor Riza Timcang ng task force para gumawa ng aksyon laban sa kultong ito.
Ngunit makapangyarihan po ang kulto and this, Mr. President, is the urgency of the issue I am talking about. Gamit ang kanilang pera at impluwensya, kinakasangkapan po nila ang mga magulang na myembro pa nila at nagsasampa po sila ng HABEAS CORPUS na mga kaso para maibalik ang mga bata sa kulto.
Nag tagumpay na sila sa isang bata at itutuloy po nila isa isa hanggang makuha po nila lahat. Ang mga bata na po mismo ang nagmamakaawa na huwag na silang ibalik sa kulto. Bakit nga naman nilang gugustuhing bumalik sa isang komunidad, sa isang lider na nanloloko, nanggagahasa, at nananakit?
Mr. President, this cult is not a cult in the shadows of Surigao. Sila po ay nagtatanim ng impluwensya nila sa Manila at sa iba pang bahagi ng bansa. Ang kanilang binuong performing group, ang Omega de Salonera, ay nanalo pa sa isang international festival sa Korea, ang dahilan kung bakit pinarangalan sila dito sa Pilipinas.
Si Senior Aguila mismo – ang rapist ng mga bata, ang facilitator ng child marriage – ay nakatapak pa sa ating Senado at nagpapicture pa sa atin na mga Senador. Alam ko, hindi natin ito alam, mga colleagues. Dahil lagi naman may nagpapapicture sa atin.
Mr. President, this situation is so urgent na agad pong lumipad ang aming team sa Socorro to understand and vet the issue. And what we have learned is dire and despicable.
WE NEED TO SAVE THOSE CHILDREN. It is our duty not just as senators, but also as parents, as human beings, to save children in most need of our help. We managed to raise the age of sexual consent, we passed the law penalizing child marriage, we strengthened protections against child trafficking.
Now, real children are in danger. And time is of the essence.
We cannot, we must not, look away.
Source: Senate of the Philippines
Subscribe to YouTube for more latest videos:
https://www.youtube.com/PinasNews
Facebook: https://www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?