Nagsimula ang mainit na pagtatalo sa pagitan ni Congressman Marcoleta at vlogger na si Atty. Ricky Tomotorgo dahil sa paratang ng panlilinlang sa isang vlog.
Tinanong ni Marcoleta, “Anong panlilinlang ang sinasabi mo?” sa titulo ng vlog na “Huwag maniwala sa pakulo at panlilinlang ni Marcoleta.”
Tumugon si Atty. Tomotorgo na hindi niya alam ang partikular na isyu at binanggit ang kanyang reaksyon sa speech ni Marcoleta sa rally ng Iglesia ni Cristo.
Inakusahan ni Marcoleta si Tomotorgo na walang basehan ang kanyang paratang, at binigyang-diin na,
“Ikaw ay abogado pa rin kagaya ng sinasabi mo, at hindi ka karapat-dapat na abogado kung hindi ka dapat magturo sa ato.” Idinagdag pa niya, dapat may sapat na ebidensya ang mga vlogger bago magsalita.
MORE: “NAMO!” minura ni Abante ang isang Vlogger
Ipinaliwanag naman ni Tomotorgo na ang kanyang vlog ay tumutukoy sa rally at sa isang billboard na hindi niya kontrolado.
Binigyang-diin ni Marcoleta ang pagkakaiba ng private at public figures sa pagpapahayag, habang sinabi ni Attorney Ricky na pareho silang may karapatan sa freedom of expression.
Binasa ni Marcoleta ang isang kaso ng US Supreme Court na nagbibigay ng proteksyon sa malayang pagkokomento sa mga public officials.
Hinimok ng tagapamahala na i-review ni Tomotorgo ang kanyang mga vlog upang masiguro ang patas na hearing.
Panoorin dito ang Part 2:
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?