Pinag-iisipan nang seryoso ni Vice President Sara Duterte ang pagtakbo sa 2028 presidential elections matapos makita ang mga isyu sa bansa na dapat ayusin.
“I’m seriously considering running in the 2028 presidential elections dahil sa mga nakikita natin sa bayan natin na dapat ayusin, na dapat baguhin,” aniya sa isang panayam.
Idiniin pa niya, “Kailangan maging competitive tayo sa mga kapitbahay natin dito sa ating region at sa buong mundo. Napag-iiwanan na ang Pilipinas at ayaw natin ‘yun.”
MORE: Piloto ni Willie Revillame patay matapos bumagsak sa Guimba
Inilahad ni Duterte ang posibilidad ng kanyang kandidatura noong bumisita siya sa mga OFW sa Japan nitong Enero. Sinusuri pa rin niya ang kanyang magiging papel sa 2025 midterm elections.
“Hindi ko alam kung makakatulong o makakasama sa mga kandidato ang pag-endorso ko sa kanila. Kaya pinag-iisipan ko ‘yun nang maayos,” wika niya.
Hinarap niya ang mga reklamong impeachment kaugnay sa umano’y paggamit ng confidential funds ngunit nananatiling isa sa mga nangungunang pagpipilian para sa pagkapangulo batay sa mga surveys.
Ipinahayag niya sa panayam sa ‘Frontline Pilipinas,’ na ibabatay ang kanyang desisyon sa pangangailangan ng bansa. Idinagdag pa niya, “Kung ang hindi pag-endorso ay makakatulong sa isang kandidato, gagawin ko ‘yun.”
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?