“Akala namin simpleng banggaan lang, ‘yun pala ay habulan na,” sinabi ng isang saksi sa insidente malapit sa NEUST Sumacab.
Nakarinig ng mga putok ng baril ang mga saksi at napagtanto nilang hindi ito simpleng aksidente.
“Nagkagulo kami sa loob ng jeep, akala namin bubungguin na kami. Naghiwayan kaming lahat, tapos biglang may mga putok ng baril mula sa mga pulis. Doon namin naintindihan na may malubhang nangyayari,” ibinahagi ng isa pang saksi.
MORE: P30B aprobado ng DBM para sa mga sundalo
Nagdulot ng pinsala ang insidente sa ilang sasakyan at isang naglalako ng tinapay. “Kung hindi lang sana siya tumakas, baka hindi na lumala pa ang sitwasyon,” ayon sa isa pang saksi na nagpahayag ng panghihinayang.
Nakita ng mga nakasaksi ang isang sasakyan na bumangga sa metal na harang malapit sa isang 7/11, ngunit agad nilang napansin ang isa pang sasakyang humahabol dito.
Patuloy na nagsisiyasat ang mga awtoridad sa pangyayari at naghahanda ng karagdagang ulat. Nag-aabang ang publiko sa opisyal na pahayag mula sa mga kinauukulan upang malaman ang buong detalye ng insidente.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?