Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P30 bilyon upang matiyak ang pensiyon ng mga retiradong military at uniformed personnel (MUP) para sa unang quarter ng 2025,
Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. Ipinaliwanag ni DBM Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman na mahalaga ang pondong ito upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga pensioner.
Ipinahayag ni Secretary Mina, “For many MUP retirees and their families, pensions are a lifeline that ensure their daily needs are met, katulad po ng pambili ng gamot o pagkain.
Naiintindihan po natin, lalo na po ni Pangulong BBM, kung gaano kahalaga na matanggap po ng ating mga pensioner ang benepisyo nila kaya agad-agad rin po,
MORE: Pananamantala ng China sa West Philippine Sea, sinusubok ang administrasyon ng Pilipinas at US
matapos makumpleto ang mga kailangang dokumento, pinirmahan po natin ang pagpapalabas ng budget sa mga concerned agencies.”
Pinagmulan ng P30.409 bilyong inilabas na pondo ang Pension and Gratuity Fund (PGF) sa ilalim ng Republic Act No. 12116 o ang FY 2025 General Appropriations Act (GAA).
Inilaan ang P16.752 bilyon sa Armed Forces of the Philippines – General Headquarters-Proper at sa Philippine Veterans Affairs Office ng Department of National Defense (DND).
Ipinamahagi naman ang P13.297 bilyon sa mga attached agencies ng Department of Interior and Local Government (DILG), kabilang ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at National Police Commission.
Naglaan din ang DBM ng P8.530 milyon para sa 34 na pensioners ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at P350.680 milyon para sa 2,836 retiradong uniformed personnel ng Department of Transportation (DOTr)-Philippine Coast Guard (PCG).
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?