Narito ang ilang pahayag ni Rep. Rodante Marcoleta ukol sa ginawang merger ng ABS-CBN at ng TV5: “TV 5 malaki yan, pagkatapos ABS-CBN, mamomonopolize ang industry dito. Wala bang say dito ang Philippine Competition Commission?”
“Hindi naman ganun, kaya nga tayo naglatag ng ganitong agency para tingnan ang lahat ng kapakanan ng mga apektadong sektor. Magiging monopoly ito kung tutuusin mo diba?”
Sa isang panayam naman kay Atty. Larry Gadon, maaaring maging sanhi ng revocation o denial ng anumang renewal ng kanilang prangkisa ang pakikipag-merge ng TV5 sa ABS-CBN.
May bahid na ng paglabag ang ABS-CBN hinggil sa foreign ownership and control ng kanilang network.
Kung sisilipin, nakasaad sa batas na dapat mga Pilipino lang ang magiging may-ari ng isang broadcasting network dito sa Pilipinas.
At dahil nga nag-merge na ang ABS-CBN at TV5, mababahiran na ang huli ng pera mula sa mga banyaga.
Sa naturang pakikipag-merge pa ng dalawa, nalabag na naman ang batas kaugnay sa pagkuha ng prangkisa lalong-lalo na ang ABS-CBN dahil hindi nito ginalang ang tamang proseso.
Iilan lang ito sa mga inisa-isa ni Gadon na mga nalabag sa kasalukuyan ng ABS-CBN at TV5.
Sa huli, sinabi ng law expert na hindi dapat makalimutan ang nauna nang violations ng ABS-CBN dahil marami pa itong hindi nabayaran na penalties.
Breaking Latest News
- Wasak si Franz Castro kay Ombudsman at naging katawa-tawa sa mga tanong sa house hearing
- Cong Isidro Ungab sumabog sa dating NCIP head Allen Capuyan sa pagbuo ng armed group na pumapatay sa mga IPs
- IKULONG ang mayayaman na smugglers!
- Robin Padilla binira ang lawlessness ng mga Teves ginamit pa ang mga pulis scalawags
- Francis Tolentino seeks postponement of Barangay, SK election in Negros Oriental