USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, tanong ni Rose Novenario ng Hataw: Ano ang nararamdaman ng Palasyo sa hinagpis ng health care workers? Makikipag-dialogue ba ang Malacañang sa grupo ng health care workers kagaya ng ginawa ni US President Joe Biden?
SEC. ROQUE: Alam ninyo napakalaki po talaga ng utang na loob natin sa mga medical frontliners natin. Sila po talaga ang ating mga sundalo dito sa giyera laban sa COVID-19 at naintindihan po natin iyong hirap na walang katapusan po iyong dumarating na mga pasyente dahil nga po pumasok itong mga new variants na nakakahawa.
So nagbibigay-pugay po tayo at binibigay naman po natin ang lahat ng pangangailangan ng ating mga health workers: Sa ating Bayanihan Act eh mayroon po tayong mga binibigay na benepisyo kung sila po ay magkakasakit; sinisigurado po natin na kumpleto sila ng PPE at iba pang mga protective equipment nang ang kanilang kalusugan ay mapangalagaan; binibigyan po natin sila ng mga dormitoryo dahil alam po natin na iyong ilang mga nurses lalung-lalo na ay nagdu-duty sila nang 2 weeks at sinasagot na po natin ang gastos ng dormitoryo ‘no.
At siyempre po kung ang tanong ay gusto pang makipagdiyalogo, ang Presidente naman po talagang bukas ang kaniyang tanggapan para sa lahat ng Pilipino na mayroong mga hinagpis na nais iparating sa kaniya. Pero hindi na po kinakailangang hingin iyan dahil ang Presidente naman po talaga patuloy po ang kaniyang pagdidiyalogo sa mga miyembro ng mga medical frontliners.
Kada kami ay nagkikita po, kinukuwento niya kung sino naman ang nakausap niyang doktor dahil siya mismo po gumagawa ng hakbang para malaman kung ano talaga po ang nangyayari sa ating mga medical frontliners.
SEC. GALVEZ: Sec. Harry, puwedeng magdagdag ako?
SEC. ROQUE: Opo, opo.
SEC. GALVEZ: Sec. Harry kahapon po na Monday na Monday ay kasama ko po si Sec. Vince, talagang binisita namin iyong East Avenue Medical Center, Lung Center at saka iyong NKTI and then also nabisita ko na rin iyong PGH at hinihiling nga po na magkaroon po ng extra hotels iyong ating mga COVID-affected nurses and doctors.
So sa ngayon po we are negotiating for 80 rooms para sa PGH, sa East Avenue po mga 20 rooms, and then also sa Lung Center ay 20 rooms at saka NKTI – with the total of 280 beds. Iyon po ay inano po namin na in-assure po namin na talagang tutulungan po ng gobyerno ang ating mga afflicted na mga health care workers at saka po talaga nagpu-provide po tayo ng support na at least iyong ano po, ma-ease up po iyong kanilang mga pressure.
Nakita ko po sa East Avenue at saka sa Lung Center at saka sa NKTI, high morale po iyong ating mga health care workers kahit nakita po namin ang pagod nila, ang dedication po nila nakakainspired po ang dedication ng ating mga health care workers.
At ako po ay talagang humahanga po talaga sa kanila kasi talagang halos… dito po sa PGH more than 200 po ang affected na nagkaroon po ng COVID pero talagang tuluy-tuloy pa rin po ang kanilang pagbabakuna, tuluytuloy ang kanilang pag-aano sa mga emergency room at tuluy-tuloy rin po ang talagang pagagapay nila po sa kanilang mga talagang naghihirap po natin na mga ibang mga pasyente at talagang tinutulungan po nila.
So ako po ay talagang saludung-saludo sa ating mga health care workers at sinasabi nga po nila na gusto nga po nila na magkaroon po ng message ang ating mahal na Presidente para sa kanila. And then I gave them iyong message na pinagawa po ng RTVM at maraming, maraming salamat po.