Sa mismong ika-52 anibersaryo ng Communist New People’s Army (NPA) Terrorist (CNT) noong Lunes, Marso 29, 2021, tatlong miyembro ng grupo ang sumuko kay Maj. Gen. Greg T Almerol, sa Agusan del Norte.
Ang tatlong lider ng teroristang grupo na kusang-loob na sumuko ay si alyas Brake at kilala rin na Ka Dante, 20 taong gulang, Team Leader ng Squad Uno, SDG CAOCAO na residente ng Barangay Ibuan.
Sumuko rin si alyas Nike o Max, 17 taong gulang, miyembro ng Squad Uno, SDG CAOCAO, at kaparehong residente ng Barangay Ibuan.
Kasama sa sumuko si alyas Andy, 26 taong gulang, kasapi ng Squad Uno, SRSDG SAGAY, GF4A, NCMRC at residente ng Barangay Lawan-lawan, pawang Las N maling, Agusan del Norte.
Sa seremonya, nagsuko si Alias Nike/Max ng isang M16 rifle at M203. Nagsuko rin ng isang grenade launcher si alias Andy at isang revolver.
Ang seremonya ay dinaluhan nila Maj. Gen Andres Centeno, Commander, 4th Infantry Division, Brig. Gen. Maurito L Licudine, 402 Commander and Lt. Col. Julius Cesar C Paulo, the Commanding Officer of 23rd Infantry Battalion at iba pang matataas na opisyal ng militar.
Sa kanyang testimonya, sinabi ni alyas Nike / Max na kumbinsido siyang sumali sa Communist New People’s Army (NPA) Terrorist (CNT) dahil sa mga magandang ipinangako sa kanya at sa kanyang pamilya.
“Na dani man gyud ko sa ilang maayong istorya nga ila kong tabangan ug ang akong pamilya ug isip isa ka lumulupyo nga nagkalisod sa panginabuhi, nag huna-huna sab ko nga makatabang sa akong pamilya. Mao nga nikuyog ko sa ilaha.”
Ngunit sa loob ng dalawang taon, walang nangyari sa mga pangako sa kanila ng CNT movement.
Dagdag pa niya, “Nag too pud ko nga matabangan ko nila ug sa kadugay nakita namo nga sayop ang baruganan ug prinsipyo nga akong gi-ubanan. Lisod kaayo ang kahimutang sa mga armadong NPA, wala nay makaon ug sige mi ug dagan tungod sa wala nay katawhan nga mo suporta namo ug sa kanunay nga operasyon sa mga sundalo. Mao nga naka huna huna ko ug surrender aron makabalik ko sa akong pamilya.”
Matatandaang labing siyam (19) na myembro ng Militia ng Bayan ang kusang loob rin na sumuko at 284 na supporters ng grupo ang bumaklas sa CNT. Silang lahat ay nanumpa ng katapatan sa gobyerno noong Marso 26, 2021, sa Barangay Ibuan, Las N steal.
Kinilala ni Lt. Col. Julius Cesar C. Paulo ang tatlong (3) dating rebelde at kinilala ang kanilang tapang na talikuran ang kilusang terorista at piliin ang tamang landas para sa kanilang buhay.
“Life is a precious gift from God to us. It is put upon us how we make use of it. Life is too short so you spend it wisely. If you want to serve the people, serve it legally,” pahayag ni Paulo.
Hinimok din niya ang mga natitirang miyembro ng CNT na huwag sayangin ang kanilang buhay kasunod sa maling ideolohiya ng CPP-NPA.
“Your army, especially the 23IB, and the local government units are always ready to help you if you embrace the government. You have enough time to lay down your arms and return to the folds of the law and be with your families,” dagdag na mensahe ni Paulo.