Inamin ni Gigo de Guzman sa isang Instagram video na namatay ang kanyang ina na si Claire dela Fuente dahil sa cardiac arrest, dakong alas-7 ng umaga.
Sinabi din niya na ito ay resulta ng stress at pagkabalisa ng malaman ng ina na siya ay COVID-19 positive, na naging sanhi din ng paghina niya.
Ibinahagi niya na si Dela Fuente ay nanatili sa isang tent sa labas ng isang ospital at nahihirapang huminga noong Lunes ng gabi.
Sinabi ni De Guzman na nakakuha din siya ng coronavirus at naitala ang video mula sa kanyang silid habang nasa quarantine. Siya ay walang sintomas.
Sinabi ni De Guzman na nagpasya siyang gawin ang anunsyo matapos na ang balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina ay “leak sa media” nang walang pahintulot ng pamilya.
Eto ang ilang pahayag ni Gigo:
“My mom died from cardiac arrest, believed to be a result of her stress and anxiety.”
“My mom has anxiety, hypertension and diabetes.”
“Her tendency to worry, to stress a lot, led her to weaken and in her sleep her heart gave out.”
“Yesterday, she was fine, got to speak to her, got to argue with her for one last time.”
“Bigla-biglaan na lang .”
Kinilala si Claire dela Fuente na Karen Carpenter ng Pilipinas. Siya ay sumikat sa pag-awit noong late ’70s at nakilala sa kanyang OPM or Original Pilipino Music hits na “Sayang,” “Nakaw na Pag-ibig,” and “Minsan-Minsan.”
Mapapakinggan ang kantang ‘Sayang’ sa video sa itaas.
Watch the viral video interview here:
In an interview with ABS-CBN News, Gigo confirmed that his mom was in the hospital, because she was CoViD-19 positive. Gigo mentioned that her mom had anxiety, hypertension and diabetes. pic.twitter.com/CFRTXn08FP
— MJ Felipe (@mjfelipe) March 30, 2021
Nakiramay rin sila Eva Eugenio at Imelda Papin
Sa Facebook post ni Eva Eugenio, sina bi niya na, “Iwill truly miss you, my dear friend. I will miss all our chikahan, laitan, tawanan at kantahan. Thank you for being a good friend, and a good God Mother to my daughter. Rest in Peace kumare. Jukebox Queens will not be complete without you.”
I will truly miss you, my dear friend. I will miss all our chikahan, laitan, tawanan at kantahan. Thank you for being a…
Posted by Eva Eugenio on Monday, March 29, 2021
“Unexpected ito talaga. Siya pa na pinakamalakas ang loob sa aming tatlo, matapang at parang kayang kaya niya lahat.”
“And yet siya pa ang tinamaan ng COVID. Hindi ko na alam kung ano ang pinapakita ng Diyos dahil kahit sino tatamaman ng COVID. Mabait siyang kaibigan, mami-miss ko siya — sobra!” pahayag naman ni Imelda Papin.
May iba pa na malapit sa kanya at kasama sa insdutriya ang nagbigay respeto at pakikiramay:
Paalam Ate Claire Dela Fuente 😞 May you truly rest in God’s peace 🙏🏼
— Jaya (@jayasoul) March 30, 2021