Itinanggi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Miyerkules na ang mga pag-ulan kamakailan ay nag-wash out sa durog na dolomite na itinapon sa tabi ng Manila Bay, na kung saan ang ilang mga kritiko ay dating pinintasan bilang pag-aaksaya ng mga pondo ng bayan.
Ngayong Miyerkules, ininspeksyon ng mga opisyal ng DENR at ng Supreme Court ang Manila Bay sa kabila ng pag-ulan para alamin ang mga naging pagbabago rito sunod sa mandate ng gobyerno na linisin at muling buhayin ang sikat na bay.
Ang mga alon ay nag-wash in ng mas madidilim na buhangin, lumilikha ng isang 2 hanggang 3-inch layer sa ibabaw ng artipisyal na puting buhangin na beach, ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda.
“Puro kasinungalingan po iyong lumabas na nag-washout po yung white sand natin. Ang nangyari po talaga wash in, pumasok po iyong itim na buhangin at pumatong po sa puting dolomite,” sabi ng DENR USec sa Laging Handa public briefing.
“Kaya ho hindi pa talaga mini-maintain ngayon dahil this is still under the jurisdiction of the contractor,” dagdag ni Antiporda.
Siya ding kinontra ang recommendations ng marine biologists mula sa University of the Philippines Marine Science Institute na magtanim na lamang ng mangrove sa halip na magtambak ng artificial white sand, dahil daw masisira ang landscape ng Manila Bay.
“Hindi ho magandang tingnan and at the same time, hindi ho mabubuhay sa lugar na ito iyong mangrove,” sagot nito.