“Mali na gamitin ang mukha ko as a thumbnail for an error that I didn’t do… I didn’t deserve what happened yesterday.”
Isang educational content creator na si Lyqa Maravilla ay naging biktima ng maling pagbabalita ng ABS-CBN dahil ginamit ng news provider ang kanyang content sa isang news story tungkol sa maling modules at videos na gawa ng Department of Education (DepEd) tugon sa distant online learning ngayong taon nang dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Maravilla, ang nabanggit na video ay kanyang ipinagamit ng may permiso sa Solar Learning para sa DepEd ALS na ginamit sa news feature ng ABS-CBN at sa online broadcast ng TV Patrol tungkol sa errors sa videos at modules na produced ng Kagawaran.
Maririnig sa voice over na ibinabalita ang pagkadismaya ng mga magulang sa nasabing content ng DepEd habang nakaflash sa screen ang kuha ng isang pamilya na nanonood ng video ng Solar Learning kung saan nakapalabas ang mukha ni Maravilla.
Ginamit ng ABS CBN ang kanyang mukha sa thumbnail ng kanilang video sa ABS CBN News at pati na rin sa kanilang news feature article. Mahigit sampung oras naka-post ang content bago tinanggal.
Para ipahayag ang kanyang hinanakit sa ABS-CBN, sumulat ito ng Facebook post kung saan ipinaliwanag na ang videos niya na ipinagamit sa Solar Learning ay walang mali at error at hindi misleading sa bata ngunit ang naturang video pa rin ang ginamit
“Anyone who did due research can see na hindi yun [videos mula Solar Learning] ang may mga mali.”
Watch the video here: https://youtu.be/M6p0LEc6qu8