Nabisto ng Commission on Audit (COA) ang higit sa P900 milyong halaga ng “overpayments” na ginawa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga health care institutions noong 2019.
Dahil sa paulit-ulit na isyu ng overpayments, inirekomenda ng mga state auditors na suriin at repasuhin ang payment scheme guideline ng PhilHealth.
“Full reimbursements of the package rates (All Case Rates (ACR) and Z Benefit) to various Health Care Institutions (HCIs) for 312,577 sampled claims despite the lower member-patients’ actual hospital charges plus the maximum amount of Professional Fees (PF) resulted in an overpayment of P936.653 million,” sinabi ng COA sa isang audit report para sa PhilHealth noong 2019 na inilathala sa kanilang website noong Biyernes.
Ang mga accredited health service provider sa National Capital Region, Rizal, CARAGA, Ilocos, Silangang Kabisayaan at Zamboanga ay kabilang sa mga nakatanggap ng labis na pagbabayad ng PhilHealth.
Karamihan sa P933.8 milyong overpayment ay sinasabing nasa ilalim din ng case rate system, na tinatanggal ng mga mambabatas dahil umano’y nakaugat sa kultura ng katiwalian sa ahensya.
Idinagdag ng COA na ang mgahealth care institution sa CARAGA ay nakakuha ng pinakamalaking “excess reimbursements”
Sa ilalim ng case rate scheme, fixed rate ang pagbabayad ng ahensya ng claim o gastos ng paggamot para sa sakit tulad ng pulmonya.
Nangangahulugan ito na kung ang sakit ay pneumonia, gaano man magastos ng pasyente sa paggagamot, ang PhilHealth ay magbibigay lamang ng isang nakapirming rate doon.