Nagtataka ang mga kongresista sa kakaibang desisyon na ginawa ni dating VP Leagal Edgar Asuncion na lalong ikinalugi ng PhilHealth.
Sinampahan ng kaso ang PhilHealth ng Hospital Managers Inc. (HMI), na pinapatakbo noon ng Cardinal Santos Medical Center (CSMC) at sa halip na ibalik ang utang ng HMI sa PhilHealth, nakipag-areglo na 70M na lamang ang ibayad, sumang-ayon naman ang PhilHealth.
Ang paliwanag ni Asuncion ay “We presented our evidence before the court, they the court, and the court just appreciated the evidence presented. And the court came up with the P70 million unpaid.”
Hindi matanggap ni Marcoleta ang mga pinagsasabi ni Asuncion at sinabing, “Ang nakikita namin, may kuntsabahan dito. Kailangan ang magdemanda pa ng judicial accounting ay yung kabila.”