“Maaari pa bang maloko ang gobyerno sa sistema ng IT na meron ang PhilHealth ngayong panahong ito?”
Ang unang sagot ni Aragona ay ‘fool-proof’ na ang IT system ng PhilHealth. Pero, sinabihan na mananagot siya sa kanyang sagot sa tanong, kaya, mabilis niyang binago…
“Maaari din.”
Kaya hinamon ni Alvarado ang mga kasamahang kongresista na bantayan ang procurement ng mga kinakailangang gamit para sa ikakaayos ng sistema ng PhilHealh.
“Sa laki ng ating bansa, kung tayo ay magsusulatan lamang o magpapadalahan tayo ng mga papeles mula sa iba’t ibang ospital papunta sa PhilHealth, ita-type ulit natin, hahanapin natin yung mga peke, mga totoo na claims sa PhilHealth, aabutin tayo ng santo-santo,”
“Maraming alegasyon ng katiwalian pagdating sa bagong procurement ng IT system ng PhilHealth. kung may problema doon sa procurement, higpitan natin ang procurement ng PhilHealth. Bantayan natin.”