Mga kababayan ko ganito ang sabihin ko sa inyo, unang-una, we always invoke the name of God. I thank the Lord for guiding the brains of other races other than Filipinos — we will try but lack of facilities or talagang wala talaga tayong infrastructure for research and… Mayroon akong bakuna. Ang hingiin ko sa inyo ganito magtiis lang kayo nang kaunti dahil nga sa hawaan.
Ngayon marami na ang nahawa it’s because ‘yung iba ayaw ninyong magpapigil. Sabihin niyo wala kaming roadmap. The roadmap ng recovery natin — I do not know din ‘yung headline niyang newspaper. Sabi ko nga hindi ako nagbabasa ng newspaper eh.
The roadmap… If it’s about me, I do not read. “Duterte, where is your roadmap?” Hindi nga kami maka-roadmap because we were talking about a budget. Ito, ito ngayong gabing ito. Hindi kami maka-ano ng — I could not have uttered a single sentence about roadmap to recovery kasi ang una talaga diyan ang medicine.
Now sa — ang mayroon na except for the authorization ‘yung i-distribute na at ‘yang final approval — idistribute na sa mga opisina nila dito Pfizer, Moderna, for the public. I promise you by the grace of God I hope by December we would be back to normal. Huwag ninyo ‘yang new normal, new normal kasi sabi ko nga noon pag-umpisa natin hintayin lang natin ‘yung vaccine.
Hintayin lang ho ninyo by December kung makatiis kayo kasi kung lalabas din kayo, matamaan kayo, patay rin eh. Ang mayroon ng — kasasabi ko nga kaya ako saludo talaga ako sa Chinese. Kayong iba diyan sige kayo daldal.
Ang unang makuha nga natin siguro from China. Sinovac China, phase 3, emergency authorization pati approval. Sinopharm, China, sa Wuhan pa, doon galing ‘yung ano — so they say. Sinopharm Beijing. Moderna, nasa stage 4 na sila. Pfizer, BioNTech. CanSino [Biologics], China, sa third. [WuXi?], China, Innovia, [Novavax], Johnson & Johnson first — first stage pa lang.
Mga next month mayroon ng [garbled]. Ang mapabubuti lang nito to our credit is that we have remained friendly with China and China was able to guarantee, sabi nila dito sa akin, that the Philippines would…
Ito basahin ko na lang — Chinese Embassy: “COVID…” “China to give priority to the Philippines once the COVID-19 vaccine is successfully developed says Spokesperson Wang Wenbin at their regular press conference on July 28, 2020.” July 28 sinabi niya ‘yan. “The Philippines is a friendly close neighbor to China. Since the outbreak of COVID-19, the two countries have been standing together with mutual assistance, turning epidemic cooperation a new highlight in bilateral…”
Nangako sila na priority tayo. Ang the first three China ang nangunguna eh. Moderna pati ‘yung Oxford AstraZeneca, it’s a — ano ito American o kung… [Official: British, sir.] British, ah British.
Now, ito ngayon balik tayo sa — mabuti’t nandiyan — nandito ‘yung Cabinet. Magtanong sila: “Mabigyan ba kami, Mayor?” Ito ang i-guarantee ko: Ang listahan ng mga tao na makatanggap ng pera noon sa hirap ang una na bibigyan ng assistance, iyon ang category natin. Ang mauna ‘yung walang-wala at saka of course those in the hospitals, ‘yung mga sick or dying. Ang una talaga ‘yung mga tao sa listahan na tumatanggap ng assistance sa gobyerno.
Ngayon, pangalawa, ‘yung middle-income. Libre ito. Hindi ko ito ipagbili. Iyong third, kagaya mo Bong; Wendel; Sonny; ikaw General Lorenzana; General Año; ikaw ma’am, ako na ang — ‘yung para akin hatiin natin [laughter] bigyan kita. Wendel is not so rich. Lalo naman itong… Itong mga military na ito pobre ‘to.
Mauna rin kayo. And also my military and my police because I need a strong backbone. The backbone of my administration is the uniformed personnel of government. Iyong mga mayaman, huwag na ninyong — huwag na ninyo akong isipin kasi hindi ako nag-iisip sa inyo. Sorry na lang. Kayo kung maka-afford. ‘Pag nakita ka nang nagpapabakuna ka diyan nang libre…
At saka may mga tao na ano gusto ko injectionan uli ng COVID-19, dagdagan ko pa ‘yang kagaw sa katawan. [Ano bang kagaw sa Tagalog?] [Official: Germs] Germ, germs. Kagaw sa Bisaya. Kamong mga suberbiyo, suberbiyo man gud. Galit pa kayo sa akin.
Kamong mga Cebu, nasuko pa sa ako nganong gisaway ta mo. Nganong ‘di ta mo sawayon? During the critical periods, nakit-an nako ang Cebu freewheeling murag walay COVID. Nag-inom pa, magsugal. Ay sus Gino-o, og ako’y na-mayor ngadto sipa ang abton. Ipakaon ko ng inyong sunoy, ipakilaw ko na sa inyong atubangan.
(TRANSLATION: To the Cebuanos, you got mad at me when I reprimanded you. Why shouldn’t I reprimand you? During the critical periods, I witnessed Cebu freewheeling as if there is no COVID. You were drinking and gambling. My God, had I been the mayor there I would kick you. I will make you eat your gamecocks and have it cooked right in front of you.)
Kita mo ang spike ng Cebu ang taas. Ganito ngayon, sabihin ko sa inyo magtiis-tiis lang kayo. Nandiyan na eh. Sinabi ko iyon ang ipinagdadasal ko sa Diyos na for God to guide — a guiding light so that these guys can make the vaccine. Iyon ang distribution.
Ano ‘yung listahan na tinulungan ng gobyerno sila ang mauna. Iyong mga upper-income, ah magbili na lang kayo. Libre ito. Bilihin natin. Sonny will explain to you kung papaano. So… Almost by December tapos ‘to lahat. Mga — as fast as we can.
Ngayon, sino ang bigyan ko ng trabaho na ‘yan? Kasi ganito ‘yan, nandito na ‘yung bakuna. Tatanggapin ko ‘yan. Sino pabigyan ko? Ibigay ko sa barangay — ang barangay captain, “O, halikayo.” Sabihin niya sa lider niya, “Iyong si — ‘yung si kapitan, wala ‘yan, hindi ‘yan nagtulong.”
Bahala na mamatay na ‘yang barangay niya. Mamulitika unahanin niya. Siya mayaman na. “Ako muna.” ‘Di ‘yung mga kalaban niya politika, hindi mabigyan. Iyong ayaw niya, hindi mabigyan.
Ngayon sino ang magdala nito? Military. Military lang. Bahala na. I’m asking the Armed Forces, I’m asking General Lorenzana. Kayo man ring ang… There’s the setup, kaya may Task Force tayo. But the implementing arm, military.
Punta lang kayo sa… I suggest that the military assign so many — so many of the soldiers and policemen sa — punta lang kayo ng ospital. May mga military doon, punta lang kayo ng police station. Mga pulis pakinggan ninyong mabuti ha: Ayaw ko nang — ayaw ko nang magkaatraso kayo dito. ‘Pag kayo nagkaatraso, nagkamali, kulong talaga kayo.
Punta kayo sa pulis — the — the Puericulture Center pero military ang tutusok sa iyo. Iyong mga kalaban ko, sabihin ko sa military, “Do not use the needle. Bayoneta ang gamitin mo.” Lalo… Mga drug pusher, drug addict, I will not waste my… Ibigay ko na lang ‘yan doon sa ibang lugar na pobre rin. Hindi ko — hindi kayong mga drug pusher, wala kayo, mga… May listahan ‘yung ano diyan. Hayaan mo.
Iyon ang ano — iyon ang utos ko. Iyan ang gusto ko. Hindi maganda? Hindi talaga maganda. Iyong mga tao — hindi pala tao sila? Tingin ko mga drug pusher, drug lord? Aso. Tingin ko sa kanya aso. Hindi ako magtulong sa inyo. Sinisira ninyo ‘yung Pilipinas, pinapatay ninyo ang tao.