“Ang malayang pamamahayag o press freedom ay hindi isyu sa ating renewal.” pahayag ni Barzaga.
Sa pagtatapos ng House hearing on the legislative franchise of ABS-CBN Corp, si Rep. Elpidio Barzaga (Cavite 4th District) ay muling nagpahiwatig ng hindi pagbibigay ng tamang buwis ang pinag-uusapang kompanya.
Ang ABS-CBN ay may ‘tax avoidance scheme’ na ginagawa upang palabasin na sila ay nagbabayad kuno ng tamang buwis. Ngunit pinagdiinan ni Barzaga na sila ay lumalabag sa batas ng tamang pagbabayad ng buwis. ABS-CBN is a tax avoider!
“Nakikita namin… na hindi sila nagbabayad ng tamang buwis, Hindi lahat ng hinahayaan ng batas ay marangal. We have the so-called corporate social responsibility. Mayroon din tayong ethical and moral considerations.”
“Sa ating mga paghi-hearing, nakita natin ang ABS-CBN Holdings Corporation. Dito lahat nilalagak ang mga shares of stocks ng ABS-CBN Corp na umaabot sa daan-daang milyong shares of stocks at PDR (Philippine Depositary Receipts). Ngunit mula noong 1999 hanggang sa kasalukuyan, inamin ng accountant ng ABS-CBN Holdings Corp na wala silang opisina, wala silang full-time employee.”
“Sa madaling sabi, ang lagi nilang sinasabing tax avoidance ang aming ginagawa at kung anumang karapatan ang aming ginagawa na hakbang, ito ay ina-allow o pinagbibigyan or hinahayaan ng ating mga batas. I think the bigger issue would be the social and moral considerations of a big corporation like ABS-CBN Corp tungkol sa kanilang pamamalakad para sa bansang Pilipinas.”
Nanawagan si Pidi Barzaga na huwag ng bigyan pa ng bagong prangkisa ang higanteng kompanya.