Hindi labanan ’to ng diplomasya. Binarubal na tayo. Tinarantado na tayo. Kinuha na iyong bahay natin. Anong ie-expect natin? Pagdadasal natin sila? Pinagdasal na natin sila. Tiniis na natin sila. Dapat kumilos na tayo. Magsalita tayo
Kasi kung lahat tayo mananahimik, aabusuhin tayo niyan . . . Kasi ito iyong pagkakataon natin. Wala na tayong trabaho. Ano ang iingatan natin?
Ano ang uunahin natin ngayon? Tanggalin ang kompanya na tumutulong sa ating kapwa, sa lahat ng mga Pilipino, o ’yung sugal na pinapasok sa ating bansa?
Buti pa ’yung POGO, pinaglalaban niyo. Itong kompanyang tumutulong sa lahat ng mga tao ngayon, pinasara niyo.
Ang buong Pilipinas nga hindi niyo masuplayan, pati pa kami makikidagdag?
POPULAR: NGANGA ang ABS-CBN sa paliwanag ni Roque na walang gagawing areglo ang Pangulo
Kasi po ito ang pagkakataon namin para tumulong. Kasi po ‘yong mga hindi nagagawa ng iba, kami na po ang gagawa. Kasi nakakahiya naman po sa inyo.
Wala po akong talento. Ang liit ko. Ang pangit ko. Itim ako. Bulol ako. Hindi ako marunong mag-Ingles. Wala akong kapasidad, walang katangian para maging artista, pero hindi po ’yun ang tiningnan ng ABS-CBN. Ang tiningnan nila ay kung ano ang kapasidad mo para magtrabaho at ipakita ang talento mo.
Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako.
Video Source: Coco Martin, Laban Kapamilya ABS-CBN Entertainment