TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, doon naman po sa issue ng ABS-CBN franchise. Many law experts are saying that this is now beyond legal questions, legal matters, and it’s become more political in nature, that’s one, sir. And at the same time, sir, kung halimbawa iiscript-off natin or isantabi natin lahat po ng technicalities surrounding the franchise and looking at the people na maapektuhan po.
For example, may mga nagtatanong po na empleyado: Paano na iyong mangyayari sa trabaho nila sa mga susunod na buwan. Probably, sir, iyong mga anak could also be wondering if they could still enroll sa kanilang mga paaralan. Paano iyong mga breadwinner na doon umaasa, iyong mga talents na umaasa po sa kada shoot? Kung titingnan po ito ni Presidente Duterte, kasi alam po natin na he has a very strong political will and at the same time kilala rin po siya na administration na someone na malapit iyong puso sa mahihirap. In what way can we possibly expect the President to exhibit political will in this situation?
And, sir, tanong ko na rin po: Since the ball is in the Congress right now, kung halimbawa, sir, na umabot na sa table ni Presidente, will he sign it or will he just allow it to lapse or veto it, sir?
SEC. ROQUE: Unang-una, sagutin natin iyong isyu sa mga manggagawa dahil sila ang pinakaapektado rito, iyong 11,000 na manggagawa ‘no. Nilinaw na po ni Secretary Bello ng DOLE na hindi naman po ibig sabihin wala na silang employment, palibhasa nagkaroon ng cease-anddesist order – empleyado pa rin po sila, kinakailangang suwelduhan pa rin sila despite the ceaseand-desist order.
Pangalawa po, iyong usaping pulitikal ay, well, kung usaping pulitikal naman po ay ginawa na ni Presidente ang kaya niyang magagawa. Sinabihan na po niya ang kaniyang mga alyado, neutral po siya diyan sa isyu ng ABS-CBN. Kung dati-rati, alam nilang nagalit si Presidente; nakita naman ng lahat, tinanggap na ng Presidente iyong patawad ng ABS-CBN. Wala na pong ibang magagawa ang Presidente kung hindi sabihin nga sa kaniyang mga alyado sa Kongreso, bumoto kayo sang-ayon sa inyong mga konsensiya.
POPULAR: HINDI pa rin LUSOT si Ayala at Pangilinan sa batas kahit nag-apology si Duterte
Pangatlo po, wala naman po talagang magagawa sa ngayon ang Presidente. Gustuhin man niyang bigyan ng prangkisa, sa Saligang Batas po, talagang Kongreso lang ang magbibigay ng prangkisa. Ang usapin lang po ay kung pupuwede bang panghimasukan ng Presidente ang National Telecommunications Commission?
Well ito po, minabuti ko na na i-flash sa ating screen iyong kauna-unahang batas ‘no … iyong ating kauna-unahang batas na bumuo noong dating Ministry of Public Works and Ministry of Transportation and Communications kung saan unang nailagay po ang NTC sa ilalim ng Ministry of Transportation and Communications.
Makikita ninyo po dito sa Section 16—sana po nakikita ninyo ngayon sa screen ninyo ‘no. Sa Section 16 nakasulat po diyan na iyong National Telecommunications Commission ay nasa ilalim po ng control and supervision ng Ministry of Transportation and Communications except with respect to its quasi-judicial functions. Ito po ang dahilan kung bakit lahat ng desisyon ng NTC ay sa hukuman ho dinadala, hindi po sa Office of the President.
Itong quasi-judicial function po niya, hindi po ito nabago sa mga ibang batas pa na isinabatas ‘no. Palagi pong nasa ilalim ng either Department of Transportation and Communication at ngayon po ay DICT, ang NTC, pero hindi po nagbabago na quasi-judicial po siya. Kung ang Presidente po ay maghihimasok, it is a form of graft po because hindi po pupuwedeng iniimpluwensiyahan ng kahit sinuman ang desisyon ng mga quasi-judicial at judicial bodies.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Pero, sir, for example po, magawa po nila, ng Congress, na matapos iyong bill at ipasa for signing na po ni Presidente, can we expect the President to sign it?
SEC. ROQUE: Unless there is any Constitutional infirmity, I don’t think the President is inclined to veto it. Sinabi na nga po ng Presidente, “Neutral ako diyan, gawin ninyo na ang katungkulan ninyo, bumuto na naaayon sa inyong mga konsensiya.”
Question from Genalyn Kabiling/Manila Bulletin: Will the President sign into law or veto—
Already answered po unless there’s any further Constitutional infirmity, I don’t think we would veto pero depende po iyan dahil speculative din iyan, wala pa po iyong bill or the law.
Why has the President decided to keep a neutral stance on ABS-CBN? Why can’t he openly declare his support for ABS-CBN? [unclear] to counter his previous stance against the network?
Well, malinaw naman po iyan, independiente at co-equal branch of government ang Kongreso, ayaw naman niyan diktahan. It’s enough that he has cleared the air, he is now neutral as far as the franchise of ABS-CBN is concerned.
How will you address criticism, the government prefers the opening of POGOs over ABS-CBN that employs thousands of workers?
Naku! Hindi po apples to apples iyan, ang POGOs po, ang kinikita natin diyan eh six hundred million a month in regulatory fees alone, twenty-two billion pesos a year in income and one hundred eighty in withheld income tax alone, so—and of course in terms of employment, 35,000 po ang Filipino na nag-eempleyo diyan sa mga POGOs. Pero ang importante po iyong kikitain natin sa POGO na mahigit isang bilyon kada buwan ay pupunta po lahat sa COVID-19.