Nagbigay ng muling matapang na utos si Pangulong Duterte na sipagan ng mga pulis ang kanilang trabaho. Pinag-oovertime niya ang mga pulis dahil sa mga krimen na nangyayari sa bansa. At kung suila ay habulin n Commission on Human Rights, pinababanggit lang niya ang kayang pangalan: ‘Duterte’.
[elfsight_youtube_gallery id=”1″]
Kill the criminals
Diretsahan ng sinabi ni Duterte na patayin ang mga kriminal sa bansa at huwag alalahanin ng mga pulis ang mga kaso na isasampa sa kanila ng CHR.
Inaatasan din ng pangulo ang mga chief of police na palakarin sa kalsada ang kanilang mga asawa at anak na babae ng dis-oras ng gabi at kapag hindi namolestiya at walang nangyaring masama ay saka pa lamang siya makukuntento sa inilatag na seguridad sa kani kanilang area of responsibility.
“I want kayong mga chief of police, you ask your wives and your daughter to walk around your area of responsibility.”
Pero kapag namolestiya aniya ang kanilang mga anak o asawa, utos ng pangulo sa mga pulis na agad na patayin ang suspek.
“And if your wife or daughter comes home safe, undisturbed, unmolested, at walang nangyari, ‘yan ang gusto ko para sa lahat ng babae sa area mo,” sabi ni PRRD
“Ngayon, kung merong mag-istorbo sa kanila at hindi na nila magamit ‘yung daan, at magtindig lang sila maghintay ng sakyan, momolestiyahin, all you have to do is to kill the idiot. Period. Iwanan mo diyan. Magsumbong sa human rights, sabihin mo utos ko,” dagdag pa niya.
Mag-overtime kayo!
Napuno na si PRRD sa mga kriminal dahil sa mga kabi-kabilng krimen na nangyayari.
Sa talumpati ng pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Marikina City, sinabi nito na kinakailangan na matinding aksyon ang gawin ngayon ng PNP lalo’t magkakasunod ang kaso ng patayan.
Pinag-oovertime niya ang mga pulis sa trabaho dahil mga krimen. Inihalimbawa ng pangulo ang dalagitang pinatay at binalatan ang mukha sa Cebu.
May iniwan pang babala si Duterte ngayong nalalapit na ang kanyang kaarawan.
“Ako matanda na. Ngayong buwan na ito mag 74 na ako. P— ina mo kasi pagod na ako sa inyo… Naghahanap lang ako talaga ng lusot na para makapagpahinga na. Pagod na rin ako kaya do not f—k with me,” sabi pa ni Duterte
PAKI-SHARE PO PARA KUMALAT! Pakisuportahan nga po kami sa pamamagitan ng pag-SHARE sa post na ito sa inyong Facebook o anumang Social Media. Pumili at i-click lamang po ang Share Icon sa ibaba.