PANOORIN | 55 rebelde nabawas sa puwersa ng NPA sa Northern Mindanao sa unang tatlong buwan ng Year 2021.
Sa patuloy na kampanya ng 4ID at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng RTF-ELCAC sa Northern Mindanao laban sa insurhensiya, ibinida nito ang kanilang mga tagumpay sa 1st quarter ng taong 2021.
Kabilang dito ang paghina ng puwersa ng CPP-NPA matapos mabawasan ng 55 na miyembro mula Enero hanggang Marso sa taong kasalukuyan.
9 dito ang namatay sa engwentro at 5 naman ang nahuli ng otoridad. Maliban dito 39 naman ang sumuko sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno.
Dagdag pa ni Maj General Andres Centino na sa sunod-sunod na operasyon, nakarekober ng mataas na kalibre ng baril ang mga sundalo habang 16 naman ang isinuko ng mga dating rebelde. Umabot din sa 16 na hideouts ang npa ang nabuwag.
Sa sunod-sunod na tagumpay na ito, umasa ang pamunuan ng 4th ID na matatapos ang problema ng insurgence bago matapos ang termino Pangulong Rodrigo Duterte sa sususnod na taon.
Muling hiniling ng 4th ID kasama ang iba pang ahensya sa ilalim ng TaskForce ELCAC ang tulong ng mamayan na pakikiisa ng upang matamo ang katahimikan sa buong bansa.
Ano sa palagay mo?