Nagtungo sa lalawigan ng Camarines Norte si PNP Chief OIC Lt. General Guillermo Eleazar nitong araw ng Linggo upang magbigay pugay sa 5 pulis na nasawi sa encounter noong Biyernes ng gabi sa Barangay Dumagmang sa bayan ng Labo.
Kasama ni Eleazar ang iba pang matataas na opisyal ng PNP.
Sinalubong si Eleazar ng mga opisyal ng PNP Regional Office at ng Camarines Police Provincial Office.
Pagdating ay kaagad na pinuntahan ni General Eleazar ang mga labi ng limang pulis.
Isa isa nitong sinaluduhan ang mga patay na pulis. Kinausap din niya ang mga naulilang ama, ina, asawa at mga kapatid ng mga biktima.
Bayani ang turing kina Police Corporal Joey Cuartevos, 34-anyos; Patrolman Alex Antioquia, 26; Pat. Benny Ric Bacurin, 31; Pat. Jeremie Alcantara, 25; at PCpl. Roger Estoy, 28.
Nagkaroon din ng maikling progrma ang PNP kung saan ay ginawaran ng medalya ng kadakilaan ang limang nasawing pulis.
Nagbigay din ng tulong pinansyal ang PNP sa pamilya ng mga nasawi.
Bago magbigay ng mensahe si Gen. Eleazar, ilang ulit itong nahinto sa pagsasalita dahil hindi maiwasang mapaluha.
Sa mensahe ay sinabi nito na hindi na sana mangyari pa ang mga ganitong karahasan.
Magkaisa na raw sana tayo. Tayo nalang sa buong mundo ang may ganitong uri ng problema kung kaya’t hindi tayo umaasenso. Ang nangyari daw sa Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte noong Biyernes ay dahil narin sa suporta o pakikipag ugnayan ng ilang residente sa mga komunistang New People’s Army, kung kaya’t hamon niya sa lahat ng nasa PNP na magkaisa at magtulungan na iparating sa mga tao na mayroong gobyernong nagmamahal sa kanila.
Dapat umanong iparamdam sa mga tao na nandito ang pamahalaan para tugunan ang mga problema nila upang hindi na sila pumanig sa mga NPA.
Dapat daw ay magkaisa ang mga lokal na pamalaan, PNP, at Armed Forces of the Philippines.
Nangako si General Eleazar na makakamit ng mga naulila ang hustisya.
Sa ngayon ay bumuo na ng Task Force Dumagmang ang PNP upang imbestigahan ang nangyari nitong Biyernes.
Ayon sa Philippine Army ay kasalukuyan silang nagsasagawa ng pagtugis sa mga NPA.
Matapos ang programa ay kinausap ni Eleazar ang mga pulis ng Camarines Norte, hamon niya sa mga ito ay tulungan ang mamamayan at iparamdam na mahalaga sila.
Pagkalunod sa ilog ng batang may kapansanan sa pag-iisip, aalamin kung may foul play
Kotse, nahulog matapos magka-landslide sa Ifugao; 1 pang sasakyan, muntikang malaglag
Nakausap naman ng GMA News si Herlyn Azañon, girlfriend ng isa mga napatay na pulis na si PCpl Roger Estoy, at sinabi nitong ikakasal na sana sila sa susunod na buwan.
Si Roger pa raw mismo ang pumili ng gown na isusuot niya. Mami-miss raw niya ang pagiging malambing at mabait ni Roger.
Nananawagan siya ng hustisya sa nangyari sa kanyang boyfriend. Mag-isa nalang raw niyang palalakihin ang kanilang isang anak ni Roger.
Samantala, ang dalawang pulis na nasugatan ay nagpapalakas ngayon sa isang pagamutan sa Camarines Norte. Ligtas na umano ang kalagayan ng mga ito.
Source: GMA News Balitambayan, Gen. Eleazar, nagbigay-pugay sa 5 pulis na napatay sa CamNorte ambush. SINULAT NI: PEEWEE BACUÑO