Apat katao ang naitalang nasawi matapos bumagsak ang isang military chopper sa lalawigan ng Basilan nitong Miyerkoles ng hapon.
Sa inisyal na ulat, ang PAF aircraft 505 Search and Rescue, Sikorsky S76A na may tail number 202 ay bumagsak sa Barangay Upper Manggas, Lantawan bandang ala-1:00 ng hapon.
Ayon kay Maluso Mayor Hanie Bud, sumadsad ang military chopper sa pagitan ng Lantawan at Maluso sanhi upang hindi na nakaligtas ang mga sakay nito.
Apat na bangkay kabilang ang isang babae na nakilala lamang sa mga pangalang Capt. Miler at 1Lt. Ferrer, mga piloto at mga crew na sina Sgt. Banias at A1 Leal, ang kinumpirmang narekober sa crash site.
Sinabi ni Lantawan Municipal Administrator Tahira Ismael na malakas ang ulan at hangin nang mangyari ang insidente.
Patungo sana sa Zamboanga ang chopper para sa isasagawang evacuation sa mga civilian personnel nang masalubong nila ang masungit na lagay ng panahon.
Ano sa palagay mo?