Nakumpirma ang pagpapalitan ng mga sanggol sa isang ospital sa Davao Oriental noong 2020 sa pamamagitan ng DNA test. Nagsimula ang lahat nang maghinala si Margie na hindi siya ang tunay na ina ng kanyang inuwing sanggol na si “Camille.”
Napansin ni Gina, ang ina ni Margie, ang mga kakaibang detalye sa baby, tulad ng pangalan sa tag ng damit at kulay ng balabal. Teka, bakit maut ang nakalagay? Maut yun kasi sa Bisaya, maut ibig sabihin ay dugyot o pangit,” ayon kay Gina.
Nagdesisyon si Margie na magpa-DNA test kasama si Camille, at lumabas na hindi sila magka-match. Ipinakita ng resulta na hindi siya ang tunay na ina ni Camille. Samantala, sa bundok lumaki si “Hazel,” ang sanggol na kapalit ni Camille at isinilang na anak ni Esmeralda.
“Naramdaman ko talaga yung parang may koneksyon sa bata, parang anak ko,” ani Esmeralda. “Masaya ako kasi kumbaga nahanap ko ‘yung totoong magulang ng bata na nasa sa akin,” pahayag ni Margie.
Mga Pagsubok at Paglilinaw
Pumayag si Esmeralda na magpa-DNA test nang makita ang larawan ni Camille. Nagpakita ang resulta na hindi siya ang tunay na ina ni Hazel, at nag-match ang DNA ni Margie kay Hazel, na nagpapatunay ng pagpapalit ng mga sanggol sa ospital. “Ang anak ko nandoon kay Margie, OK lang pa rin. Tatanggapin ko pa rin kasi hindi ko siya binuhay. Siya nag-aalaga, nag-aaral siya,” pahayag ni Esmeralda.
“Thankful naman ako na sila ‘yung kinalakhan ng anak ko. Salamat kasi kayo ang nadatnan ng anak ko, minahal, inaruga, kinalinga.” Ayon naman kay Margie, “Kasi ‘yun ‘yung pinakamahirap hanapin sa ibang magulang. Maaaring may pera pero walang pagmamahal.”
Isinasaalang-alang ni Margie ang kalagayan ni Hazel na lumaki sa bukirin. “Masakit man isipin pero kailangan talagang harapin ang katotohanan,” dagdag pa ni Margie. Ayon kay Dra. Evangeline Castro, isinasaalang-alang ang kalagayan ng mga bata at hindi dapat magmadali sa pagbabago ng kanilang buhay.
Pumayag naman si Atty. Iris Pauline Taganas-Bacaltos na ang pinakamahalaga ay ang kapakanan ng mga bata at isang internal agreement ang co-parenting.
Hustisya at Kinabukasan
Desidido si Margie na magsampa ng civil case laban sa ospital para sa mga damages na naidulot sa pamilya. “Babayaran nila lahat ng damages na naidulot nila sa bata at sa bawat pamilya,” giit ni Margie. Ipinahayag ng pamunuan ng ospital na mananagot ang sinumang mapatunayang nagkaroon ng kapabayaan sa kaso.
STORY: Rica Peralejo tiniyak sa netizens na hindi nasaktan ang anak habang breastfeeding
Nagkasundo ang mga pamilya na magpatuloy sa isang co-parenting set-up para sa mga bata. “Hindi siya pwede i-shortcut, proseso talaga ‘to. You have to extend your patience, pasensya ninyo sa bawat anak n’yo kasi sobrang laki ng mangyayaring change,” ani Dra. Castro.
Sa kabila ng lahat ng pagsubok, nagpapasalamat ang mga pamilya sa pagmamahal at suporta na ibinigay nila sa mga bata. “No matter what happens, mahal na mahal ko siya eh kasi siya yung bata na pinalaki ko, siya yung bata na-feed ko, siya yung bata na pinagpuyatan ko sa gabi,” pahayag ni Margie.
Pinapatunayan ng kwento na ang pagpapalit ng sanggol ay hindi ang pinakamahalaga, kundi ang patuloy na pagmamahal at suporta sa mga bata habang lumalaki sila at nauunawaan ang tunay na nangyari.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?