Umuwi na sa Pilipinas ang 17 Pilipinong marino matapos ang 428 araw ng pagkakabihag ng mga rebeldeng Houthi sa bansang Yemen habang sakay ng cargo ship na Galaxy Leader sa Red Sea noong Nobyembre 2023.
Dumating sila sakay ng Oman Air flight sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kung saan sinalubong sila ng kanilang mga pamilya at mga opisyal ng pamahalaan.
Nagpahayag si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ng kagalakan sa kanilang pagbabalik. “Wala na kaming ikinagagalak pa kundi makita ‘yung mga pamilya na reunited,”.
Ibinahagi rin niya ang direktiba ng Pangulo mula pa noong unang araw, “Ang ating mahal na Pangulo, ang number one directive since day one sa amin, sabi niya, just take care of the families.”
MORE: Nagbabala si US Senator Rubio sa China sa panghihimasok sa WPS
Binati rin ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang kanilang matagumpay na pagpapalaya. “The long wait is over. Our prayers were answered. I join the Filipino nation in welcoming back to the Philippines the 17 Filipino hostages.”
Iginiit ni DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega ang pangangailangang masuri muna ang kalagayan ng mga marino. “They seem alright but hindi basta basta na papauwiin sila kasi we have to see how they are talaga.”
Tiniyak ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo ang pagbibigay ng medical at psychosocial support sa mga marino. “We are aware of the psychological toll that 428 days in captivity can have, and we are committed to offering comprehensive medical and psychosocial support.”
Pinuri ng pamahalaan ng Pilipinas ang Sultanate of Oman sa kanilang mahalagang papel sa negosasyon. Ipinahayag ng DFA, “Our successful efforts despite all the challenges prove that quiet diplomacy works.”
Nakipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Oman sa mga opisyal ng Houthi sa tulong ng Oman upang mapalaya ang mga bihag. Nanawagan ang US State Department sa Houthis na ihinto ang pag-atake sa Red Sea.
“The Houthis must permanently cease all attacks in the Red Sea and surrounding waterways without exception and immediately release all of the hundreds of detainees.”
Magpapatuloy ang gobyerno sa pagbibigay ng pinansyal, medikal, at pangkabuhayan na tulong sa mga marino at kanilang pamilya.
Tututukan ang kanilang rehabilitasyon upang matiyak ang kanilang pisikal at mental na kalusugan matapos ang mahabang panahong pagkakabihag.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?