Sapol sa 10B budget cut ang DepEd sa programang pag-imprenta ng Blended Learning modules ngayong mayroong COVID-19 pandemic sa taong 2021.
Kailangang maghiraman ang ilang mga mag-aaral sa isang set ng self-learning modules dahil kulang ang pondo ng Department of Education (DepEd) para sa printing ng nabanggit na mga learning materials.
Sa ginanap na hearing ng House Committee on Appropriations para sa budget ng DepEd, sinabi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na ang modules para sa ilang subjects ay gagamitin ng mga mag-aaral “on rotation basis.”
“The other thing that I was saying, I know there are reservations from a lot of people, is the idea of using the modules on rotation basis,” ani San Antonio.
Tiniyak ni Usec. San Antonio na idi-disinfect muna ang self-learning modules na ginamit ng mga estudyante bago iyon ipagamit sa susunod na grupo ng mga mag-aaral.
Ipinaliwanag ni Usec. Annalyn Sevilla na ang proposal ng DepEd para sa budget ng printed self-learning modules ay P34 billion, subalit ang inaprubahan lang ng Department of Budget and management ay P15 billion at karagdagang P5 billion para sa unprogrammed projects.
“So, we are readjusting our plan so that we can have a production of the self-learning materials with this amount which was given to us,” ani Usec. Sevilla.
Umapela si Sevilla sa mga mambabatas ng karagdagang P10 billion budget upang ang lahat ng mga estudyante ay magkaroon ng sarili nilang kopya ng self-learning modules. (GMA News)
Ano sa palagay mo?