Perang donasyon sa Marawi, hindi kinurakot – Duterte


June 02, 2019 – Walang dapat ipag-alala ang mga dayuhan na nagbigay ng donasyon para sa muling pagpapatayo ng mga gusali at pagpapaunlad sa Marawi.

  • Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nawaldas ang mga perang donasyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
  • Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talum­pati sa 25th International Conference on the Future of Asia sa Tokyo Japan Biyernes nang hapon.

Hindi nawaldas

Sinabi ni Pangulong Duterte na nagpapatuloy ang construction para sa pagbangon ng Marawi City at huwag mag-alala ang mga dayuhang nagbigay ng donasyon dahil ang pera ng mga ito ay nasa bangko.

Nilinaw ng Presidente na hindi pa nagagalaw ang perang donasyon dahil unang ginamit ang sariling pera ng Pilipinas.

“Construction is ongoing. Do not worry, all the donors of the country –your money is in the bank. The money that Japan and everybody contributed are all accounted for. We have not spent the foreign aid assistance. We spent first our own money,” sabi ng Pangulo.

POPULAR! ZERO HUNGER! Walang gutom na Pilipino sa 2030

Perang donasyon sa Marawi, hindi kinurakot

Nauna rito, inireport ng Commission on Audit (COA) na hindi pa nakakarating sa mga biktima ng Marawi siege ang milyon-milyong pisong donasyon ng ibang bansa.

“I thank the government of Japan for its enduring commitment over many decades to build a peaceful and resilient Mindanao,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Sinabi ito ng pangulo dahil sa report ng Commission on Audit (COA) na may 36M donasyon ang hindi pa naibibigay sa Marawi siege victims.

ALAM MO BA’TO? DSWD nagpamahagi ng inuuod at bulok na de lata sa Marawi evacuees

Perang donasyon sa Marawi, hindi kinurakot

SITEMAP! Bisitahin ang Pinas.news Table of Contents
JOIN OUR COMMUNITY: Pinas.news Facebook Page

survey in the Philippines

Kinurakot ba ng Duterte Administration ang mga donasyon para sa Marawi siege victims?

View Results

Loading ... Loading ...

PAKI-SHARE PO PARA KUMALAT! Pakisuportahan nga po kami sa pamamagitan ng pag-SHARE sa post na ito sa inyong Facebook o anumang Social Media. Pumili at i-click lamang po ang Share Icon sa ibaba. Maraming salamat po, kabayan.


Leave a Reply

Your email address will not be published.