When Jesus had received the sour wine, he said, “It is finished,” and he bowed his head and gave up his spirit. John 19:30
Isipin mo, ikaw ay nasa Louvre Museum at nakatitig sa isang sikat na painting ni Leonardo da Vinci na Mona Lisa.
Nakita mo wala palang kilay si Mona Lisa kaya naisip mo na dagdagan ko kaya para mas gumanda? Of course not!
Ginawa un ng isang dalubhasa so ano pa ang idadagdag mo para gumanda pa ang painting?
Ganun din sa tinapos na gawa ni Jesus sa krus. Sumigaw pa nga Siya, “It is finished!” Wala ka ng idadagdag pa kasi kumpleto na and you cannot finish a finished work.
Our salvation is won and we are made forever righteous ng dugo ni Cristo. Sa Greek ng salitang, “It is finished,” ay TELEO ibig sabihin, “The debt is paid in full!”
Nang ibigay ni Jesus ang Kanyang sarili sa krus kinumpleto Niya ang hinihingi ng Kautusan and He paid our debts in full!
Kaya ngayon hindi yung gawa or ginawa natin kaya tayo pinagpala kundi dahil sa tinapos na gawa ni Jesus sa krus ang dahilan.
Christian living is not about doing, but believing in His finished work. Sa ilalim ng Kautusan, ikaw ang gagawa, gumagawa pero sa ilalim ng Biyaya, it is done!
Marahil iba yung nakikita mo sa pinaniniwalaan mo. Totoo ang pangako ng Diyos, hindi ka palang pagagalingin, magaling ka na! God healed you 2,000 yrs ago! Sabi ng Isaiah 53:5, “By His stripes you are healed!”
Hindi ka palang pagpapalain, pinagpala ka na 2 Corinto 8:9. Maniwala ka lang sa tinapos na gawa ni Cristo at makikita mo!
Tinapos na eh, ano pa tatapusin mo? The victory is won. Our blessings have been bought by His blood! Believe! It is finished!
Magandang umaga po ang biyaya ng Diyos ay sapat sa bawat oras. Today is the day of prayer in Nueva Ecija, remembering you in my prayers.
Pagbubulay ni Pastor Evigan Manzano, ang Senior Pastor ng Nueva Ecija Born Again Church, Baloc, Nueva Ecija