Mapangheng shabu, hindi nakalusot sa Maguindanao jail


June 02, 2019 – Itinago ng isang babae ang shabu sa tapat ng kanyang pagkababae para ilusot sa Maguindanao jail.

  • Plano ni Sara Marohom na ipuslit ang 13 sachets ng shabu sa loob ng kulungan para ibigay sa asawa at pagkakitaan.
  • Pero kahit anong ipit pa ng shabu sa kanyang pagkababae, hindi nailusot ang droga na gagawing negosyo sana ng kanyang asawa.

Umaamoy…

Si Sara Marohom ay dadalaw sa kanyang asawa na si Angs Matanog. Si Angs ay nakulong dahil sa paglalako ng droga.

Habang pumapasok si Sara Marohom, kapansin-pansin na hindi mapakali ang babae.

At ng siya ay kinapkapan sa katawan ng isang babaeng jail guard, nakita ang matambok niyang underwear at ng inusisa ay nakita ang 13 sachets ng shabu na ibibigay sana sa asawa para gamitin at ibenta sa loob.

POPULAR: Irish national 14 years kulong dahil sa 2 stick ng marijuana

Sara Marohom
ARRESTED. Anti-narcotics agents inspect the illegal drugs taken from Sara Marohom after attempting to slip 13 sachets of suspected shabu drugs into the Maguindanao Provincial Jail situated at Pedro Colina Hill in Cotabato City on Saturday (June 1, 2019). The suspect’s husband is currently detained in the prison facility for illegal drug peddling charges. (Photo courtesy of Cotabato CIO)

Diretso bilibid

Sa pagkakahuli sa babae, iimbestigahan siya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

At kung mapatunayan, kaagad rin siyang ikinulong sa Maguindanao Jail, Pedro Colina Hill, Barangay Rosary Heights 1.

“The woman admitted she was to deliver the illegal drugs to her husband,” ang pahayag ng pamunuan ng kulungan.

Inihahanda na ang kasong violation of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) para kay Marohom.

ALAM MO BA’TO? Perwisyo lang ang ICC – Tito Sotto

MAGUINDANAO PROVINCIAL JAIL

SITEMAP! Bisitahin ang Pinas.news Table of Contents
JOIN OUR COMMUNITY: Pinas.news Facebook Page

PAKI-SHARE PO PARA KUMALAT! Pakisuportahan po kami sa pamamagitan ng pag-SHARE sa post na ito sa inyong Facebook o anumang Social Media. Pumili at i-click lamang po ang Share Icon sa ibaba. Maraming salamat po, kabayan.


Leave a Reply

Your email address will not be published.