Andito kami ng dalawa kong kaibigan para gisingin si Tito Eddie – Bong Go


June 10, 2019 – Kasama ang mga artista na sina Robin Padilla at Philip Salvador, dumalaw si Senator-elect Bong Go kay Eddie Garcia sa ospital “para gisingin”.

  • “Andito kami ng dalawa kong kaibigan para gisingin si Tito Eddie,” pahayag niya sa mga reporters.
  • Nanawawagan si Bong Go na patuloy na ipanalangin ang kagalingan ni Eddie Garcia.

Huwag gumawa ng haka-haka

“Ipagdasal natin si Tito Eddie,” pahayag ni Go. “Sana humaba pa ang kanyang buhay.” Kasalukuyang inaalagaan si Eddie sa Intensive Care Unit. 

Nagpahayag din si Robin Padilla na huwag gumawa ng anumang haka-haka sa halip ay isama sa panalangin si Eddie Garcia

Dagdag pa ni Robin Padilla na, “ito ang maitutulong natin ay mga dasal. Wag muna tayo gumawa ng haka-haka.”

Maaalalang may nag-upload sa YouTube kung paano nangyari na nadapa si Eddie Garcia, na naging sanhi daw umano ng pagkaka-confine ng aktor. Mapapanood ang viral video na kumakalat ngayon sa ibaba:

Kinuyog ang GMA!

Patuloy na sinisisi ng mga netizen, fan ang GMA-7 sa nangyaring aksidente (natapilok at bumagsak ayon sa mga kuma-lat na video) ni Eddie Garcia sa taping ng ginagawa nitong teleserye.

Nag-viral ang video na kuha ng isang bystander sa location ng serye, kung saan makikitang kinukunan ang barilan scene. May sumulpot na dalawang armadong lalake.

Lumitaw naman mula sa gilid ang isang lalake na may suot na cap at may na hawak na baril. Makikita na tila sumabit ang paa ng lalake sa nakalitaw na kable sa sahig at saka sumuray itong naglakad haggang sa bumagsak. Ang nasabing lalake ay si Eddie Garcia.

Nagkagulo na ang lahat at agad na nilapitan ito ng mga tao sa production. Dahil dito, sumulpot ang iba’t ibang komento, reaksyon, mga tanong kaugnay sa nangyari kay Eddie Garcia.
May mga nagsasabing hindi naging mai-ngat ang production, o naging pabaya ang mga production staff sa pag-aayos ng kable kaya sumabit ang paa ng aktor.

Image: GMA News

Sinasabi naman ng iba na hindi na dapat pinagtatrabaho sa labas ang aktor lalo at matindi ang init ng panahon.

Ilan naman ang nag-comment na hindi na dapat kinukuha sa mga taping si Eddie lalo at kritikal na ang edad nito.

Kinumpara pa ang dating pinanggalingang serye ni Eddie na “Ang Probinsyano” sa kasalukuyang ginagawa nitong serye, na walang insidenteng nag-collapsed nga raw noon ang aktor.

Madalas ay nasa loob lang ito ng bahay nagti-taping at hindi pinalalabas sa location.

Marami rin naman ang nagtanggol sa GMA at sinabing aksidente ang nangyari kaya walang dapat sisihin.

Anyway, ayon sa unang official statement ng GMA Corp. Comm, ire-review nila ang viral video at makikipag-coordinate sa mga doctor na humahawak sa case ni Eddie at saka sila muling maglalabas ng statement.

Humingi ang istasyon sa kanilang mga supporter nang patuloy na dasal para sa ikabubuti ng kalagayan ng veteran actor.

POPULAR: Mga artistang adik, walang VIP treatment!

Base naman sa statement ni Dr. Enrique Lagman, mula sa test results ay lumalabas na walang heart attack o stroke na nangyari sa aktor. Ayon pa sa doctor, normal ang CT scan sa utak ni Eddie at normal din ang heart attack test nito.

Si Dr. Lagman ay uncle ng longtime partner ni Eddie na si Ms. Lilibeth Romero. Ito ang tumatayong spokesperson ng mga Garcia, sa kundisyon ng aktor.

“Walang heart attack, walang stroke, because the CT scan of the brain is normal, the heart attack test was normal,” sabi pa ni Dr. Lagman.

Samantala, parang bukal ng tubig na tuluy-tuloy ang pagdarasal para kay Eddie mula sa mga kasamahan nya sa industry.

Nagpost sa kani-kanilang mga social media account sina Vice Ganda, mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Sharon Cuneta, Angeline Quinto, Aiko Melendez, at iba pa.

Isang pagpapatunay lang na well-loved at nirerespeto talaga ng showbiz si Tito Eddie.

“Yun lang naman ang hinihiling namin, sa lahat ng fans ni eddie Garcia, kailangan niya tayo ngayon. Ipagdasal natin siya,” pahayag pa ni Phillip Salvador.

ALAM MO BA’TO? Pangulong Duterte bumisita sa mga batang cancer patients

SITEMAP! Bisitahin ang Pinas.news Table of Contents
JOIN OUR COMMUNITY: Pinas.news Facebook Page

PAKI-SHARE PO PARA KUMALAT! Pakisuportahan po kami sa pamamagitan ng pag-SHARE sa post na ito sa inyong Facebook o anumang Social Media. Pumili at i-click lamang po ang Share Icon sa ibaba. Maraming salamat po, kabayan.