Nagdulot ng takot sa mga negosyante sa Surigao City ang grupo ng Federal Tribal Government of the Philippines (FTGP) matapos sapilitang ipasara ang mga negosyo at mangikil ng pera.
Gumamit ng mga armas tulad ng itak at samurai ang mga miyembro ng grupo upang pilitin ang mga negosyante na magbayad ng permit kahit kumpleto ang kanilang dokumento.
Sinabi ni Jann Sacro, may-ari ng sari-sari store, “Around 5 in the morning on January 24, 10 people stormed the store, They are making us go out, They are angry.”
Ikinandado siya sa loob ng kanyang tindahan dahil tumanggi siyang sumali sa grupo.
Hiningan din ng pera si Riza, may-ari ng milk tea shop, at sinabihan na peke ang kanyang mga dokumento.
“Even though he has all the documents for his business…He said that it’s fake. It’s from the government, it’s fake,” ani Riza.
“Ang gobyerno walang lupa, ang tribo ang rightful owner ng ancestral land, kalabanin nyo ang batas? hangin, lupa, tubig, apoy, mga bastos kayo” ani ng isa sa FTGP
Dahil nag matigas sina Jann sapilitang isinara at kinandado ang kanilang tindahan kaya na Trap sila mabuti nalang may mga dumating ng pulis.
Pinamunuan nina Bae Lourdes at Dato Adlao, inangkin ng FTGP na sila ang tunay na may-ari ng Pilipinas at mas makapangyarihan kaysa sa gobyerno.
“They said that they are more powerful than the government,” ayon sa grupo.
Nagsagawa ng operasyon ang awtoridad laban sa FTGP. Naaresto ang isang miyembro ng grupo sa isang checkpoint.
Kinondena ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang FTGP at binigyang-diin na hindi ito isang lehitimong grupo ng mga indigenous peoples.
Patuloy ang imbestigasyon upang matigil ang mga ilegal na gawain ng grupo.
Follow us on our social media:
📺www.youtube.com/@PinasNews
👉www.facebook.com/pinasnewstv
Ano sa palagay mo?